Monday, May 9, 2011

Chapter V-Third Lady: Other Roses Part 1


Maagang gumising si Veth ng araw na iyon. Isang linggo na lang kasi at pasukan na, pero wala pa rin siyang gamit. Ang mga kapatid naman niya ay ibinili na ng mahal nilang ina. Siyempre hindi siya kasama doon. Nang nag-daang gabi nagpa-alam siya sa ama na kung ma-aari ay siya na lang ang bi-bili ng mga gamit niya. Pumayag naman ito. yun nga lang, may kasama siyang body guard. Pati si Maurina ay kasama.
"Lady Veth, naka-handa na po ang sa-sakyan", ayon sa isang katulong.
"Sige, bababa na ako. Paki-hintay na alng ako.". muli pang tumingin sa salamin si Veth. Sa tuwing gina-gawa niya ito, naalala niya ang laging sina-sabi ng kanyang abuela. Na magka-mukha daw sila ng mama niya. Para nga daw siyang Clone nito. Maging nag mga katulong nila dati, ganun din ang sina-sabi. Dumiretso na si Veth. Nakita niya sa garden ang magi-ina. Abala sa pagpapa-manicure. Nag-paalam muna siya sa mga ito bago tuluyang umalis.
"Lady Veth, ipinabi-bigay poi to ng inyong ama.". isang envelope ang ina-abot ni Maurin sa kanya ng lulan na sila ng sasakayan. Binuksan niya rin tio agad. Ganun na lang ang gulat niya ng makita ang laman nito.
"Para saan ito?", tanung niya sa babae
"Para daw po iyan sa mga gastusin niyo sa buwang ito.." Tugon ni Maurina
"Pero, hindi ba masyadong marami yata?"
"Kung kulang pa daw po ay magpa-sabi na lang kayo", sa halip ay tugon nito sa kanya
Nagbi-biro ba ito? sa dami ng perang iyon, pang-dalawang buwan ng pang-gastos iyon. Hindi lang dalawang buwan.
"Sigurado ka bang akin talaga ito? baka naman para kayna….."
"sa inyo po talaga iyan. Meron na po sina Madam Martha at ang mga anak niya kahapon pa.", sagot sa kanya ni Maurina.
Hindi na lang umimik si Devon. pero muli niyang tiningnan ang hawak na pera. Anu pa ba ang ina-asahan sa isang CEO ng isang travel and recruitment agency sa buong Asya? At higit sa lahat, sa isang Mob Leader ng buong Asya at pangatlong Ginoo ng Pangkalahatang Mob sa buong mundo? Bukod sa business nilang travel and recruitment agency, meron din silang walong 7 star hotel ang restaurants sa iba't-ibang panig ng America. At ilang malalaking grocery store sa China. Hindi pa dito kasama ang mga paupahang apartment at condominium dito sa Pinas.
"Lady Veth, nandito na po tayo", Maurina
Sa isang hotel siya dinala ng mga ito. nag-taka naman siya kung bakit.
"Teka lang, anung ga-gawin natin dito?", nagta-takang tanung ni Veth sa kasama
"Dito po kayo ma-mimili ng inyong mga gamit"
"Anu? Sa isang hotel? Seryso ka?"
Para namang napa-hiya si Devon sa tinanung. Kelan ba nag-biro ang babaeng ito? ni hindi man lang niya ito nakita ni minsan na nabanat ang mga muscle sa mukha dahil sa pag-ngiti man lang.
"Bumaba na po tayo,", walang emosyong utos nito.
Naka-baba na ang babae pero si Devon ay hindi pa rin maintindihan ang dahilan at kung pa-paano siya makaka-bili ng gamit niya sa isang hotel! May bagong feature na ba ang mga hotel dito sa pilipinas? Kelan pa?
Sa ika-labing pitong palapag sila nag-tungo ni Maurina. Pagka-labas ng elevator, sampung babae ang sumulabong sa kanila. Pawang makanaka-uniporme gaya ng kay Maurina.
"Maligayang pag-dating Lady Veth", sabay-sabay nitong turan
Ngumiti na lang siya bilang tugon sa pag-bati ng mga ito. isa pang naka-unipormeng babae ang lumapit sa kanila. May ibinulong it okay Maurina. Tumango lang ang babae. Binalingan siya nito.
"Naka-handa na po ang lahat Lady Veth", Maurina.
Nag-simula itong mag-lakad, sumunod na lang siya. Hindi pa rin niya ma-isip kung pa-paano siya ma-mimili ng gamit sa hotel na iyon. Liban na lang kung nag-lagay ng pribadong pamilihan ang ama niya sa lugar na iyon. Para hindi na siya dumayo pa sa mall. Pero pinalis din niya ang isiping yun. Pero para naman siyang nang-hina ng makita kung anu ang laman ng kwartong pinag-dalhan sa kanya ni Maurina.
"Pina-handa po ito lahat ng inyong ama. Para daw po hindi na kayo pumunta pa sa sa ibang lugar o sa mall", ayon kay Maurina
"Pumili na po kayo ng gusto niyo.",pagpapa-tuloy nito sa pagsa-salita.
Ginawa talaga ng ama niya. Dapat siguro iba na lang ang inisip niya. Nagka-totoo nga ang na-isip niya. Isang pribadong pamilihan nga ang naro-roon. Lahat ng mga kailangan niya naro-roon. Sa iba't-ibang klase,kulay,laki at brand.
"You can take your time Lady Veth sa pag-pili. Nasa inyo po ang lahat ng oras. Nandito lang po kami sa labas." Ayon kay Maurina.
Pumitik ito at isang babae na hindi nala-layo ang edad sa kanya ang lumapit.
"Siya po si Henrithe (Henrit) Calisto, siya po ang magiging guide niyo sa pamimili", pagpapa-kilala ni Maurina sa babae.
"Ikinaga-galak ko po kayong maki-lala Lady Veth.", Henrithe
Iniwan na sila ni Maurina. Isinara pa nito ang pinto. Sa loob ng kwartong iyon ay may tatlo pang naka-unipormeng lalaki.
"Saan niyo po unang gustong mamili?", pagta-tanung ni Henrithe
"Matagal na ba itong store na ito dito?", Veth
"Ho? Hindi po. Kahapon lang po ito. galing po ito lahat sa pamilihan sa labas.", tugon ni Henrithe
Sina-sabi na nga ba. Walang ganito sa mga hotel. Kahit sa America.
"May problema po ba? May mali po ba?", nata-tarantang si Henrithe
"Naku!! Wala naman!!! Nagta-tanung lang. haiszt!!!! Nandito na ito! well, Rithe(Rit), saan ba ako pwedeng mag-simula? Masyado kasing marami.".
"Nasa inyo pa ang lahat ng oras.", amgalang na tugon ni Henrithe
"kahit hanggang bukas tayo?". Veth
"Kung iyon po ang gusto niyo. Iyon po ang mangya-yari", Henrithe
Npa-ngiwi siya sa naging sagot ng babae. Mukhang kahit anung sabihin niya ay ga-gawin nito. Napa-buntung-hininga na lang si Veth.
"Talaga lang naman oh……. Hassle din maging mayaman.. lalo na kung ganito kayaman…. Kung alam lang ng iba….. hayyyyyy", sa isip ni Veth.
Nagulat naman siya sa itsura ng kasama. Mukhang takot ito.
"Ba-bakit?", Veth
"May mali po ba Lady Veth? May hindi po ba kayo nagustuhan?", nai-iyak na tanung ni Henrithe
Nag-alala naman si Veth sa naging reaksiyon ng dalaga.
"Naku, naku!! Hindi!! Hindi naman sa ganun.. anu kasi…. Ahmmmmmm… hindi ko lang ina-asahan na totoo pala yung ini-isip ko…"
"Ahmmm… anu po ba yung ini-isip niyo, Lady Veth?",
"Na gumawa si Dad ng private mall para maka-pamili ako ng gamit…. Ine-expect ko pa naman na makaka-punta ako sa mall.."
"Mukhang hindi niyoo po nagustuhan ang ginawa ng daddy niyo."Henrithe
"Hindi naman.. medyo… hindi lang ito ang gusto ko…. Pero anu pa ba ang maga-gawa ko…."
Narinig niya ang impit na pag-tawa ni Henrithe.
"Kaka-iba po kayo Lady Veth. Mas gusto niyo pang magkipag-siksikan sa mall, kesa sa pribadong lugar na ito."
"Hindi naman masyado. Okay!!! Simulan na natin to!!!! Siyanga pala, Rithe, Veth na lang ang itawag mo saakin.. tayo-tayo lang naman ang nandito.", Veth
"Ho? Hindi po ba? Maga-galit ang-"
"Ako naman ang kasama mo." Veth
Ngumiti na lang si Henrithe bilang pag-sang ayon. Sa loob ng ilang oras, maraming napag-kwentohan sina Veth at Rithe. Maraming nalaman si Veth tungkol sa babae. Sa unang pagka-kataon, matapos ang mahabang panahon, naka-ramdam ng kapanatagan ng loob si Veth. Sa maiksing panahon na naka-sama niya si Rithe, hindi lang isang guide ito, kundi pati isa ring bagong, "kaibigan". Bago mag-hiwalay nagpalitan ng numero ng cellphone pati facebook at twitter address. Sa closer the better sabi nga ng iba.

No comments:

Post a Comment