Thursday, July 5, 2012

Chapter XII- Third Lady: The First Conversation



Hindi mapa-lagay si Dan sa pagkaka-higa. Lalo pa siyang na-inis ng makita kung  anung oras na.
“Alas-tres na ng umaga! Great!!!!! Arrgghhhhhh!!! Matulog ka na paarang awa mo na Jaedan!!! Marami ka pang gagawin bukas!! maawa ka naman sa sarili mo!!”, ka-usap ni Dan sa sarili. Alam niyang hindi dahil bago na naman ang lugar na tinu-tulugan niya. Sanay na siya na palipat-lipat kaya hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi siya maka-tulog. “Ka-usapin mo na lang siya bukas Jaedan!! Bukas!! Parang-awa mo na!!! ipikit mo na ang mata mo!!!”, pa-tuloy pa ring ka-usap ng binata sa sarili.

Kaka-iba ang paki-ramdam ni Veth ng umagang iyon. Ganun talaga siguro kapag nakapag-labas ng nara-ramdaman. Nababawasasn ng bigat si dibidb. Masarap sa pakiramdam! Nag-inat-inat pa ang dalaga bago tuluyang bumangon mula sa pagkaka-higa. Naging masigla ang bawat kilos niya. Hindi niya maipaliwanag pero masarap talaga sa paki-ramdam. “I was born again!!!”, sigaw niya habang naka-tass ang mga kamay. 

Natawa na lang siya sa ginawa.
Nagma-daling lumbas sa kwarto niya ang dalaga at nag-tungo agad sa canteen ng tinutuluyan. Nagulat pa siya ng madatnan ang isang tahimik na canteen. Na ang buong akala niya ay maingay tulad ng napapanuod niya sa telebisyon. Sa di kalayuan nakita niya ang grupo nina Melanie na mukhang siya ang paksa base na lang sa mga tingin ng mga ito sa kanya. Napa-buntong hininga na lang si Veth. Hindi niya hahayaan masira ang araw na iyon. Hindi ninoman.
Hihikab pang nag-lakad patungo sa canteen si Dan. Hindi talaga siya naka-tulog ng maayos. Mukha tuloy siyang ermetanyo. Kahit gulo-gulo pa ang buhok nag-madali na siyang umalis sa tinu-tuluyan. “Naligo naman ako.”, sambit niya sa sarili. Isang impit na tili ang naka-agaw ng atensiyon niya ng mapa-daan sa isang grupo ng mga estudyanteng babae. Napa-iling na lang ang binata. Alam na niya kung bakit. “Tsktsktsk… kahit siguro hindi ka na rin ma-ligo, Jaedan…”, pagka-sabi nito sa sarili nilingon pa niya ang pinag-mulan ng impit na tiling iyon at ngumiti. Na lalo lang ikina-kilig nga mga estudyante. “Ang gwapo mo talaga pareng Jaedan.  Grabe!! ”, saad ni Dan sa sarili.
Hindi sa canteen kumain si Veth dahil baka mabulunan lang siya dahil sa panaka-nakang pagpapa-rinig ng kapatid at nakaka-lokang ngiti ng mga kasama nito. sa lilim ng isang puno niya napag-desisyunang ma-upo para kumain. Hindi lang naman siya nag-iisa marami rin ang mga naroroon. Grupo-grupo. “Ako lang yata ang All by myself dito. diba ka  ba nakakaramdam na pagka-OP Lideveth?”. Nau-uso na yata ng mga araw na iyon ang pagka-usap sa sarili. Na-wala naman ang ngiti sa mga labi ni Veth ng maalala ang nangyari ng tawagan niya si Maurina at nag-paalam na hindi makaka-punta sa opisina ng ama ng araw na iyon. Dahil ayaw niyang humarap sa mga ito ng mugto ang mata. Nag-dahilan na lang siya san a masama ang paki-ramdam. Pagka-tapos kuasapin si Maurin ay nag-text agad ang ama. Hindi man hayagan ang pagka-dismaya nito sa naging paalama niya kay Maurin, obvious naman ito sa mensaheng natanggap mula dito.
Halos mabali naman ang leeg ni Dan kaka-hanap kay Veth sa canteen. “Asan ka na naman My Lady. ”. natigil lang ang pagha-hanap niya ng lapitan siya ng isang babae at ka-usapin. Maganda nga ito wala lang sense ka-usap. Sa halos ilang minuto nilang pagu-usap matapos magpa-kilala ito ay puros tungkol sa mga hilig nito sa fashion at mga Hollywood actors at movies ang bukam-bibig nito. mukha pa mandin itong matalino. Looks could really be deceiving. Umalis na ang siya sa lugar na iyon. Mga anak mayaman talaga. Takbo-lakad na naman ang gianwa ng binata para lang makita si Veth. And at last nakita niya ito. gaya pa rin ng dati mag-isa na naman ito at malungkot ang mukha. Nilapitan na niya ito.
“Hi”, bati niya rito.
Nag-taas kilay alng ito. sabay ismid sa kanya.
“Meron ka?”, tanung niya rito.
Nakita niya ang pamu-mula ng mukha nito. natawa na lang siya ng mhulaan kung bakit. Malisyosa rin pala ito. pa-tago lang.
“Grabe ka naman! Wag kang malisyosa. Ang ibig kong sabihin, kung meron kang problema?”. Pagka-sabi nito ay ngumisi pa siya.
“Tse! Paano mo namang nasabing malisyosa ako? May sinabi ba ako? Wala naman diba?”, depensa pa nito.
“wala nga pero iba naman ang nasa-isip mo. Naba-basa ko sa iyong mga mata, My Lady. Kaya wag ka nang tumanggi pa.”, sagot pa niya.
“Bakit kamag-anak ka nina Madam Auring at Rosa? Para mahulaan mo ang nasa-isipan ko?”. Nagulat pa siya ng sambiti nito ang mga pangalan ng dalawang sikat ng maghu-hula sa bansa.
“Kelan ka pa kasapi ng fans club ng mga tiyahin ko? Naku!! My Lady, welcome to the club! Masaya akong malamang hina-hangaan mo ang aking pamilya.”, nag-taas baba pa ang kilay niya habang naka-ngiti dito.
Hindi na siya na-gulat ng tumahimik ang dalaga. Pero nagulat talaga siya ng ngumiti ito habang nai-iling na binalik ang atensiyon sa kina-kain. Nakita pa niya na parang sara na sarap ito sa kina-kain. Kaya hindi niya napaghandaan ang sumunod na eksena. Tumingala ito sa kanya dahil naka-tayo siya habang naka-upo naman ito.
“Masarap itong steak nila. Parang luto ni Manang sa mansiyon. Naging paborito ko yung luto niya sa maiksing panahon. Gusto mong tikman.” Itinaas pa nito ang tinidor na may naka-tusok na piraso ng steak habang naka-ngiti.
“Premyo mo sa ka-kornihang ginawa mo ngayong umagang ito.”.
Hindi nakapag-react si Dan sa nasaksihan. Napa-tunayan niyang mas maganda ang dalaga kung ngi-ngiti lang  ito. at eto nga. Napa-titig lang siya sa maaliwalas na mukah ng dalaga. Parang gusto niyang kumuha ng papel at lapis at iguhit ang mukha nito at ipa-laminate. Ilagay sa freezer at i-preserve. Huh? Kelan pa preneserve sa freezer ang isang larawan? “Sira ulo ka talaga Dan. Umayos ka nga!”, kastigo ng binata sa sarili.
Akma na sanang kaka-gatin ni Dana ang steak na ina-alok dalaga nt tumunog ang cellphone niya. Parang guto niyang mag-wala. Pam-pasira ng magandang atmosphere. Nakaka-hiya pa mandin ang ringtone niya. Nagpa-excuse siya sa dalaga at sinagot ang tawag. Pag-balik niya sa kinaro-roonan ng dalaga. Nadatanan nya itong kina-kanta ang ringtone niya na parang nang-aasar. Pangit-ngiti pa ito. nag-kunwari pang nagulat ng makita siyang naka-tayo sa tabi nito.
“Nandyan ka na pala?  Keep holding on… there’s nothing you could say.. there’s nothing you can do.. ang ganda nang kanta no? Favorite mo?”, nakaka-loka pang ngumiti ito sa kanya.
“Masama? Eh maganda yung meaning. Paki-alam mo? Kanya-kanyang ringtone lang yan.”, depensa naman niya.
Napuno ng halakhak ang lugar na iyon. Animo’y slow-motion ang mga nangya-yari sa paningin ni Dan habang pinagma-masdan ang mukha ng dalagang nasa harap niya. He never imagines even once in his life, that hearing laughter from someone can make time stop and creates lovely harmony in his ears. Hearing Veth’s laughter makes him feel good about himself. That is a new feeling for him. Beceuase no other woman ever make him feel like how he feels that very moment even when making love with them. But this woman,
“Oh My!!”, patuloy pa rin ito sa pag-tawa. Ngunti pilit pini-pigil. Humalukipkip na lang si Dan at sumandal sa puno at patuloy pinag-masdan ang dalaga sa harap niya.
“Okay… I ne—ed to stop.”, ina-ayos pa nito ang buhok. At tumikhim, pero kitang-kita pa rin na pini-pigil nitong tumawa.
“Tapos ka ng tumawa My Lady? Baka gusto mo pang tumawa, sige lang. libre naman walang bayad.”, ayon kay Dan
“No no.. that’s enough. Hoooo!!! Hehe.. okay na ako. I never know that someone like you, can be this corny. I mean. Astig kang tingnan, not only because of your job but… your.. posture how you carry yourself. That’s why, ladies turns their heads once they see you walk their ways.. an-”,
“Does those girls includes you My Lady? Wow!!! Its an honor!! Re-”
“Kapal mo!! Who says na ka-”
“Si Selena Gomez!!!”
“Huh?”
“diba, Who says? Who says your not perfect, who sa-
“okay.. fine. Tigilan mo na nga yang ka-kornihan mo.”
 "Bakit naman? Di ka ba nage-enjoy? Ako kasi ayos an ayos sakin ang ka-kornihan ko. Atleast, nakita kitang tumawa. Parang ang sarap sa paki-ramdam.", ani ni Dan habang naka-titig sa dalaga.
Si Veth naman ay naka-ramdam ng pagka-ilang sa paraan ng pagkaka-titig sa kanya ng lalaki. Kaya't dagling umiwas ito ng tingin at hinarap na lang ang mga puno sa kanyang harapan.
"May problema ka ba Lady Veth?", biglang tanung ni Dan sa dalaga.
Gulat namang binalingan ni Veth si Dan na sa mga oras na iyon ay sa mga puno na rin sa kanilang harapan ito naka-tingin. Nang hindi agad siya ang-salita ay bumaling ito sa kanya. at naging kaka-iba na naman ang paki-ramadam ni Veth sa mga titig na iyon ng binata.
There is something in his eyes that she can't explain what. Parang halo-halong emosyon na hindi niya maarok.
hmmmm? At talaga iyon ang naging description niya. hindi lang pala sakit ang nakak-hawa maging ang ka-cornihan. Napa-ngiti siya sa na-isip.
"My Lady naman. wag kang basta-basta na lang ngi-ngiti lalo na at kapag wala namang nagpapa-tawa. Baka isipin ng iba na ma-"
"May saltik ako sa utak? Care ko? Sila ba nagpapa-kain sakin? Sila ba ang nag-"
"Hep-Hep! Time-out. Chill!!! Okay? Kung maka-react wagas. Grabe.", palatak ng binata. Pero sa halip na mainis ay parang........ Parang ano?
"My Lady, na-nuno ka na naman. Wala kang imik! Wag ganun, masa-"
"Magulo ka rin noh? Kaninang ngumit ako, bawal. Nagyong tahimik ako bawal pa rin? Pagmamay-ari mo ba ang mundo para lahat an lang ipag-bawal mo?", pagka-sabi nito ay umalis na agad si Veth sa kinau-upuan at dali-daling umalis sa lugar na iyon. habang na-iwang naka-tanga si Dan sa kawalan. Habol tanaw ang pigurang papa-layo sa kanya.
"Hindi na masama ang ganito. Atleast, nalaman kong, normal ka rin pala My Lady."

Wednesday, August 31, 2011

Chapter XI-Third Lady: Close Heart


"Naka-handa na ba lahat ng dadalhin?", pagta-tanung ni Dylan sa mga kasambahay.
Tumango naman ang mga ito. iyon na ang araw na lilipat na sina Veth sa dormitory sa kanilang bagong tahanan sa loob ng isang taon. Iyon na rin ang simula ng unang araw niya sa pag-pasok at sa trabaho sa opisina ng ama. Kahit tinatamad bumangon kanina, ay napilitan na rin si Veth. Ayaw niyang simulang ang araw na iyon na pinapagalitan siya ni Martha. Baka kasi magtuloy-tuloy ng isang linggo.
Hindi na na-abutan ni Veth ang ama sa hapag. Maaga daw itong umalis dahil may board meeting pa ito. kaya naman si Martha at Maurina lang ang kasama nilang pupunta sa University.
"Ina-antok po ba kayo Lady Veth?", tanung ni Maurina.
Maaaring nakita ng babae ang pag-hikab niya.
"Hindi naman masyado. Medyo hindi lang ako naka-tulog kagabi.". Veth
Si Maurina ang kasama niya sa sasakyan. Ang magi-inang Martha, Junylyn at Melanie ang magka-kasama sa isa pang sasakyan.
"Lady Veth, I would like to remind you about your appointment with the HR of the company to finalize your permit to work in the company. This coming Wednesday will be your first day at work.", Maurina
"Anu nga pala ang trabaho ko sa opisina?", Veth
"Sa HR mo na lang po malalaman kung anu ang ipapa-gawa sayo. Naka-ayos na po ang ilan sa mga papers mo. Presenting yourself to the office will be the last process..", Maurina
"Okay.", nag-balik na lang ng tingin si Veth sa labas ng sasakyan. Sana lang maging okay ang takbo ng buhay niya dito sa Pilipinas. Wag na sanang matulad ng buhay niya noon. Nang may ilang alaala ang nais pumasok sa kanyang isipan, pinalis niya agad iyon. Ayaw na niya pa maalala ang mga ito. Hindi sa mga panahong ito, kung saan nagsi-simula siya ng pani-bagong buhay.
Napansin ni Dan ang panama-himik na iyon ni Veth. May kaka-iba sa babae ng umagang iyon. Marami ng mga estudyante ng makarating sina Veth sa university. Mas marami keysa noong unang beses silang pumunta. Dineretso na ng sasakyan ang mga gamit nila sa dorm. Samantalang sila naman ay sa kanilang klase ng nag-tungo. Magulo pa ang klase ng pumasok siya roon kasama ang dalawang kapatid. Kanya-kanyang pasiklaban ang mga naro-roon. Sa gamit, sa kung saang pamilya sila galing. Kung saan sila nag-bakasyon at marami pa. na-iling na lang si Veth. Anu pa ba ang ina-asahan niya sa mga anak-mayaman na sumobra na sa limitasyon nila ang mga luho sa katawan.
"Mukhang makaka-hanap agad ng kasama si Junylyn.", sa isip ni Veth. Nilingon niya ang babae. At tama nga ang hinala niya. May tatlo itong kausap na babae. Pawang hawak ang mga cellphone at make-up kit. Ganun din ang hawak ni Junylyn.
"sabi na nga ba…..", nata-tawang saad ni Veth sa sarili.
Tumahimik lang ng dumating na ang kanilang professor. Everything seems to be fine. Not until someone from their class, asked how come Veth and Junylyn were the same age but are not twins.
"Is it happening again?", sa isip ni Veth. nakaramdam ng pagbabara sa lalamunan si Veth.
Past
Teacher: Okay class, tomorrowis our family day. Im expecting to see your parents tomorrow. Both your mother and father. Understand?
Student: Maam, how about Veth? She don't have her mother?is she allowed to attend the event?
That question brought everyone questioning each other about the situation of Veth. Her classmates are aware that Martha is not her mother. Besides, it is already been announce by Junylyn ever since they started their first grade.
Teacher: ofcourse she can come. She still have her father. And besides, they are living together, so they are consider as one family. Right Veth?
She was not able to respond. She really hate being asked about her mother.
About that, she don’t think, it is a good idea to attend the event. She might have her father, but Martha cannot be her “mother”, even for a second. In her dreams. She knows how Martha hated her for coming in their lives. Though she don’t say it, she can feel it. and it is more hurting on her side. Her two sisters, they never consider her as their sister. Not even in their second, third or fourth lives. Junylyn cleared it to her even from the start.
Natigil si Veth sa pag-alala ng tumunog ang cellphone niya. Unregistered number ang nag-appear sa screen. Sino naman kaya ito?
“Hello?”, Veth
“Wag kang masyadong mag-isip.My Lady, hindi ba’t masaydo pang maaga para magka-linya ka sa noo? Simula pa lang ng-”
Pinutol niya agad ang tawag na iyon. Ang kapal ng kumag na iyon para tawagan siya! Close ba sila? At paano nito nakuha ang number niya? Lagot sa kanya ito pag-nagkita sila. Pag-tingin niya sa bintana, nakita niya ang “makapal” ang mukhang tumawag sa kanya. Naka-sandal ito sa puno naka-tingin sa kanya habang pangiti-ngiti.
“Ini-inis ba ako ng mokong na ito???”, hindi nama-malayan ni Veth na napapa-higpit na ang kapit niya sa cellphone niya sa inis sa taong tini-tingnan niya. Napa-pitlag siya ng tumunog muli ang cellphone niya. Na-gulat siya ng makita ang numero ni Maurina sa screen. Bakit?
“Hello.”, walng emosyong sabi ni Veth ng sagutin niya ang tawag na iyon.
“Lady Veth, ipapa-sundo po kauo ng Daddy niyo mamayang hapon. Kailangan daw po niya kayong maka-usap. Dito po kayo sa opisina magki-kita.”,ayon sa kausap niya sa kabilang linya
“Sige. 4:30 ang labas ko sa last subject namin. Hintayin na lang ako. May sasabihin ka pa ba?”, Veth
“Yun lang po.”. at pinutol na nga nito ang tawag. Napa-isip naman si Veth sa kung anu ang dahilan sa pagpa-tawag sa kanya ng ama. Isinilid na ni Veth ang mga gamit sa bag at umalis na sa lugar na iyon. Hahanap siya ng pwedeng lugar sa kanya. Iyong makakapag-isip siya at makakapag-isa. Pero bago siya umalis, nilingon muna niya ang kinaiinisang nilalang sa labas ng kwartong iyon. Nakatingin pa rin ito sa kanya. Pero di tulad kanina, nagta-tanung na ang mga mata nito habang naka-tingin sa kanya.
Nakahanap ng tahimik na lugar si Veth, sa likod ng library. Mapuno ang lugar na iyon. Wala ring katao-tao. A perfect place for her. Bumuga ng hangin si Veth. Umupo siya sa lilim ng isa sa mga puno na naroon. Umihip ang malamig na hangin. tama lang para pawiin ang init ng panahon.
“Just perfect.”, saad ni Veth sa sarili.
Binuksan niya ang isa sa mga paboritong libro niya at nag-simulang mag-basa. Kahit sabihing paborito niya iyon, hindi niya basta-basta bina-basa iyon sa harap ng maraming tao. A librong iyon ay diary ng isang computer hacker. Naka-saad sa librong iyon ang buong pagka-tao nito. Simula sa kung papa-ano siya natutong gumamit ng computer sa kabila ng katotohanang hindi ito nakapa-aral dahil sa estado nito sa buhay. Ni hindi ito marunong mag-sulat sa papel kahit ang pangalan nito.ulilang lubos din ito. binubuhay ang sarili sa pangangalakal ng basura. Hanggang isang mayamang matanda ang kumupkop dito matapos niyang iligtas ito sa masasamang loob isang gabi sa kalye ng Pransiya. Pinag-aral siya nito. Nag-focus siya sa pag-gamit ng Computer at pag-tuklas sa mga kaya nitong gawin. Inu-ubos ng lalaki ang oras sa pag-harap at page-eksperimento sa mga kayang gawing ng Computer. Hanggang isang araw, natuklasan niya ang paraan sa pag-bukas ng isang secured file sa eskwelahan nila na napagka-tuwaan niya lang gawin.
Paulit-ulit niyang ginawa iyon sa ibat-ibang pagkaka-taon. Ayon pa dito, ang pinaka-importanteng pagkaka-taon sa buhay niya kung saan nagamit niya ang kakayahang ito ay ng tulungan niyang ma-retrieve lahat ng mga perang nawawala sa bank account ng matandang kumupkop sa kanya sa pamamagitang ng pag-trace ng ilang mga leads  na mismong ang matanda ang nag-bigay sa kanya.
Naka-ramdam ng antok si Veth. Dahil na rin siguro sa katahimikan ng lugar. Maya-maya, wala sa sariling bumuka ang bibig ni Veth at nag-simulang umawit. Isang awiting matagal na niyang hindi nari-rinig. Dahil matagal na ring wala ang taong uma-awit nito sa kanya. Dahil inabanduna siya nito. Na siyang naging dahilang upang mapunta siya sa sitwasyong kinalalagyang niya ngayon. Nagu-unahang tumulo ang mga luha ni Veth. Maaring matagal na nitong gustong dumaloy mula sa kanyang mga mata kaya naman kahit anung pigil niya ay hindi niya magawang pigilang ang pag-luha. Kaya naman hinayaan na niya ang sarili. Minsan lang naman niya nailalabas ang totoong damdamin. Minsan lang.
“saan naman kaya nag-punta yung babaeng yun?”, ani  ni Dan
Kanina pa niya ito hina-hanap. Akala niya ay magc-cr lang ito ng lumabas ito sa classroom kanina. Ngunit hindi na ito bumalik kahit na nagsi-simula na ang klase nito.
“Lideveth! Nasaan ka na naman. Hindi kaya tumkas na naman ito? hindi naman pwede yun. Mahigpit ang seguridad sa eskwelahang iyon. Saan ka na naman nagta-tago , My Lady? ”, nagsi-simula ng mag-alala si Dan. Lakad-takbo ang ginawa ni Dan. Para na siyang baliw kahahanap sa babaeng pasaway. Isang lugar na lang ang hindi niya napu-puntahan. Ang Library. Nag-madali siyang pumunta roon. Masyadong malaki ang lugar an iyon para sa isang library.
“Sabagay, this is not an ordinary school to have an ordinary place for reading. What am I thinking. So where are you now?”, Dan
Sa pinaka-dulo ng lugar na iyon, nag-pahinga si Dan, wala talaga doon si Veth. Napa-hilamos sa mukha si Dan sa inis.
“Kahit kailan talaga, ang hirap mong hulaan!”. Napa-mura ng mahina si Dan. Sa hindi ina-asahan, nahagip ng paningin ni Dan mula sa bintana malapit sa kanya ang animoy lumulutang na buhok sa likod ng malaking puno sa labas ng library. Pinaka-titigian niya iyon at ng makompiramang buhok iyon ng tao. Nagmadaling humanap ng pinaka-malapit na labasan si Dan para mapuntahan at masigurong si Veth nga ang hinala niya na nasa likod ng punong iyon.
Nang maka-hanap ng pinaka-malapit na pinto, agad na tinungo ni Dan ang punong iyon. Hindi pa man nakaka-lapit ay sigurado na siyang si Veth iyon.
“Andito ka lang pala My Lady!”, sigaw niya.
Ngunit hindi siya pinansin nito. Sisigaw pa sana siya upang sitahin ito ng makita nyang gumagalaw ang mga balikat nito na animoy humahagulgol…… lumapit pa siya ng kaunti dito. natigilan siya ng makompirma ang nasa isip. Umi-iyak nga ito.
Pero bakit?

Chapter X-Third Lady: Almost part 2


Samantalang nasa biyahe sila, napansin ni Dan ang seryosong mukah ni Veth habang naka-tingin sa labas ng sasakyan. Nai-tanung niya tuloy sa isipan niya na bakit parang malungkot pa ito, gayong napayagan naman itong lumabas ng bahay. Mukhang mas gusto talaga nito na patakas kung umalis.
"Rebelde", saan ni Dan sa kanyang isipan.
"Lumiko ka sa sunod na kalye then take a right turn after the LBC branch.", biglan na lang nagsalita ang dalaga na nagpa-gulat sa kanya. buti na lang hindi siya mahilig sa kapeng barako, kundi ay napahamak na sila sa sibrang pagka-bigla.
"Akala ko, hindi ka na magsa-salita",na-isatinig ni Dan ang nasa isipan.
"MAsama bang manahimik ako?", masungit na tanung ng dalaga.
"hindi naman. Mas masarap kasing amg-biyahe kung nagu-kwentohan. Mas enjoy ang ride.", Dan
"wala naman tayong dapat na pag-usapan. Mas mabuti na yung hindi tayo nag-uusap mas, makakapag-concentrate ka sa pagmamaneho mo. Para na rin sa kaligtasan nating lahat.", wala pa ring emosyong sagot ng dalaga.
"Ayaw mo ba akong kasama??", tanung ni Dan.
"Anu sa tingin mo?",masungit na naman nitong tugon.
"kung yung nangyari noong nakaraang araw ang ikinaga-galit mo, Sorry! pero para rin naman iyon sa kaligta-"
"kaligtasan ko. I know! Matagal ko na yang alam. At amtagal na rin akong sawang-sawang sa mga dahilang yan. Okay na sana eh, secured. Pero di ba parang OA masyado? Ni wala akong kalayaang mapuntahan ang mga gusto ko. Kailangan ko pang mag-paalam. Para lang akong robot na kino-kontrol sa kung anung dapat kong gawin!!! Malaki na ako!! Kaya ko ng protektahan ang sarili ko!!! Hindi na ako bata!!!".
Nagulat si Dan sa narinig mula sa dalaga. Kitang-kita niya kung ang ambilis napag-hinga nito. Marahil dahil sa sunod-sunod nitong pag-sasalita. Namu-mula na rin ang mga mata nito. Mukhang iiyak na.
"Sorry. siguro dapat mong sabihin yan sa daddy mo. Para naman may ideya siya sa kung anu ang nararamdaman mo. Para maging aware siya na hindi mo na gusto ang paga-alaga at pagi-ingat nila sa iyo.", Seryosong pahayag ni Dan.
Nakagat na lang ni Veth ang labi. Pini-pigialn niyang umiyak. Kahit gusto man niyang sabihin ang mga bagay na iyon sa kanyang ama, hindi niya kaya. Wala siyang lakas ng loob para gawin iyon. At kahit kalian hindi niya masasani iyon. Ibinalik na lang ni Veth ang mga mata sa pagmamasid sa labas ng sasakyan. Nawalan na siya ng gana.
"Bumalik na tayo.", Veth
"Hindi naba tayo tutuloy?". Dan
"Nawalan na ako ng gana."
Wala nang nagawa pa si Dan. Narinig pa niya ang paghinga ng malalim ni Veth. Mukhang may nagawa na nanaman siyang mali. Pagka-balik sa bahay ay dali-daling bumaba ng sasakyang si Veth. Sa kwarto niya agad siya tumuloy. Doon na lang niay ilalabas ang nararamdaman. Tulad na lagi niyang ginagawa noon pa man.
"Lex, bakit nandito na agad kayo ni Lady Veth? May nangyari ba?". Dylan
"Wala naman po, nawalang lang po ng gana si Lady Veth na mamasyal", Dan
"Ganun ba. Mag-handa ka na. bukas na papasok sina Lady Veth. Bukas na magsi-simula ang tunay mong trabaho.", ayon kay Dylan
"asahan niyo po, gagawin ko ang lahat upang mabantayan sila ng maayos."
Sa kawarto niya ang-tuloy si Dan. Natigil sa pagpa-palit ng maalala ni Dan ang nangyari sa sasakyan. Mukhang maraming dinaramdam si Veth na hindi masabi sa ama nito. Kung may maitu-tulong lang sana siya dito. Gusto niya itong matulungan na mapagaan ang dinadala nito.
"Ngunit paano kita matutulungan Veth, inila-layo mo ang sarili mo sa lahat ng tao. Sa akin. Hanggan kalian mo kayang itagao ang nararamdaman mo? Hanggan kalian mo kayang kimkimin lahat ng sama ng loob?", sa isip ni Dan.
Naalala ni Dan ang gustong puntahan ni veth kanina na hindi naman natuloy. Kinuha niya ang jacket at lumabas ng kwarto. Maaga pa naman, napagdesisyunan niyang puntahan ang lugar na iyon. Hindi siya sigurado kung anu anglugar na iyon. Pero tanda pa naman niya ang dinaan nila at ang direksiyong binigay ng dalaga. Mukhang importante ang lugar na iyon.
Samantala, naka-dungaw si Veth sa bintana ng kwarto niya. Napansin niya ang papa-alis na si Dan. Dali-dali itong sumakay sa isa sa mga motor na naka-parada sa garahe.
"Saan naman kaya pu-punta ang lalaking ito? sa babae niya siguro? Mabuti pa siya,hindi na kailangan pang mag-paalam bago umalis.", saad ni Veth, habang pinagmamasdan ang papa-alis na binata.
Madali namang natuntun ni Dan ang lugar na anis puntahan ni Veth. Dahil pagka-tapos kumanan sa may LBC branch ay tanging ang shop na iyon na lang ang nasa lugr. Dead end na kung maitu-turing lugar. Sinakop na ng shop na iyong ang buong espasyo.
"Zephyre Mystic. Tsktsktsk.. paano niya kaya nalaman ang lugar na ito?".
Pumasok si Dan sa loob ng shop. Na-amaze siya sa nakita. Isang maid café ang lugar. Lahat naka-costume. Parang cosplay world din ito kung tutuusin. Hindi lang kasi ang mga naka-maid uniform ang naro-roon. Isang naka-butler uniform ang lumapit sa kanya. Ito na rin ang nag-asikaso sa kanya. Cakes, coffe, tea, brownies at iba pang mata-tamis na pagkain ang makikita sa lugar.
"Paano kaya naka-punta roon si Veth? Mukhang hindi naman sosyal ang lugar na iyon. Napag-alaman niya na wala namang website ang lugar. Kaya hindi pwedeng nakita ito ng dalaga sa pags-surf sa Internet."
Ang mga tanung na ito ang laman ng isipan ni Dan bago maka-tulog.

Wednesday, June 22, 2011

Chapter X-Third Lady: Almost


"Mr. Dy, pwede ba kayong maka-usap?", bati ni Veth isang umaga kay Dylan
"Lady Veth, anu po iyon?", magalang na tanung ng lalaki
"Nais ko sanang puntahan ang isang lugar ngayong araw na ito. I want to take a break kahit ngayon lang. napuntahan na naming ito ni Maurina. Magsa-sama na lang ako ng mga bodyguards para hindi kayo mag-alala na gagawa ako ng kalokohan.", walang emosyong pahayag ni Veth
"Hindi niyo po kailangang mag-isip ng ganyan, My Lady. Ang kaligtasan lang po ninyo ang ina-alala namin. Sigo po at ipapa-handa ko ang sasakyan.". tumawag ito ng isang katulong upang ipahanda ang sasakyan.
"Paki-sabi kay Lex na may lakad si Lady Veth ngayon at kailangan ang kanyang serbisyo." Dagdag pa nito
"Mr. Dy hindi na po kailangang sumama pa si Mr. Hidalgo. Kaya na akong protektahan ng mga ka- "
"Paumanhin po Lady Veth, ngunit kasama poi to sa mga bilin ng inyon ama.", magalang na pahayag ni Dylan
Wala ng nagawa pa ang dalaga. Kung magi-insist pa siya, baka lalong hindi siya matuloy. Iiwasan na lang niya ang binata. At isa pa, hindi naman niya kailangang kausapin ito. hindi pa rin niya nakaka-limutan ang nangyari nang naka-raang araw.
"Pinata-tawag niyo daw po ako.", Dan
"Lex, samahan mo si Lady Veth. Meron siyang pupuntahan sa araw na ito. sayo ko na ipinagkaka-tiwala ang kaligtasan n gating Lady."
"I aasure you, no one can ever hurt her, while I'm around.", mayabang na pahayag ng binata. Na lalong ikina-asar ni Veth
"Hambog!!!", sa isipan ni Veth
"Pinahanda ko na ang sasakyan. Maari na kayong umalis kahit anong oras niyo naisin, Lady Veth.",pahayag ni Dylan
"Ngayon na rin ako a-alis. Baka kasi abutan pa ng traffic.", matapos sabihin ito ay dire-diretso si Veth palabas ng bahay na iyon. Na hindi man lang tumi-tingin kay Dan.
Napansin naman ito ng binata.
"As if namang mai-iwasan mo ako, My Lady Veth", nangi-ngiting saad ni Dan sa isipan niya.
Sumunod na rin siya dito.

Chapter IX-Third Lady: First


"Pwede bang dalian mo Lanie!!! Baka abutan tayo ng traffic. Kahit kailan talaga.", Junylyn
Na-bigo si Dan na makita ng umagang iyon si Veth. Tulog pa raw ito, ayon sa katulong. Gusto pa naman niyang makita ito. na-taon namang may,lakad ang dalawang magkapatid. Kaya mukhang mamayang hapon pa niya maki-kita ang dalaga.
Napansin ni Dan na malayo ng mga ito sa isa't-isa. Mula sa nakita niyang eksena ng nag-daang gabi. Mukhang may misunderstanding ang magka-kapatid. Maging ang ina ng mga ito. Mukhang iba ang pag-trato kay Veth kesa sa dalawang kasama niya ngayon sa sasakyan. Uso pa ba sa mga panahong ito ang ganung samahan ng magkaka-pamilya? Baka naman, na-layo si Veth sa mga kapatid nito noong bata pa ito. at ngayon lang sila nagkita-kita. o di kaya, hindi tunay na anak si—
"Anung plano mo?"
"Ho?", gulat na tanung ni Dan.
"Gosh!!!!!!!!!!!!!!! Anung meron sa umagang ito!!! bakit lahat pinapa-init ang ulo ko!!!!!!!!!!! Ang sabi ko anung plano mo?? Hindi pa ba tayo a-alis? ", masungit na Junylyn
"Pasensiya na po Lady, akala ko po kasi wa-"
"Kung naging attentive ka lang at hindi nag da-daydream, baka sakaling napansin mong kanina pa naka-sakay ang kapatid ko!",Junylyn
"Sorry po."
"Ipa-paalam ko ito sa Dad! Si-siguraduhin ko yan!!", pagba-banta ni Junylyn kay Dan.
Hindi na lang umumik si Dan sa narinig. Meron talagang ganitong mga amo. Palibhasa pinagsi-silbihan, akala mo na kung sinong pontio pilato kung umasta. Walang pakundangan sa mga sina-sabi.
Bago pa tuluyang umalis, tumingin pa sa side mirror si Dan. Nagba-baka sakaling makita ang dalaga. At hindi naman siya na-bigo. Akita niya itong naka-tayo sa harap ng bahay. May hawak-hawak na maliit na bald eng tubig habang ka-usap ang isa sa mga taga-silbi ng bahay na iyon. Napa-isip siya kung bakit at para saan ang balde na iyon. Mukhang hindi ito bagong gising.ibig bang sabihin, kanina pa ito gising? Pero bakit hindi niya ito nakita sa almusal? I-iling iling na binalik ng binata ang atensiyon sa mina-manehong sasakyan.
Tanghali na nang maka-balik sina Dan mula sa pinuntahan nila. Sa shopping mall nag-tungo ang mag-kapatid. Maraming binili ang mga ito. puro mga bagong damit, pampa-ganda, mga sapatos at kahit mga alahas. Pagka-baba ng sasakyan. Nakita niya namang pa-sakay si Veth sa isa sa mga kotse na naro-roon. Mukhang may lajad ito. agad niya itong nilapitan.
"Magandang tanghali Lady Veth.", yumukod pa si Dan sa harap nito.
"Manong, alam niyo na po ba yung lugar na tinu-tukoy ko?", pambaba-lewala sa kanya ng dalaga.
"Gusto niyo po, samahan ko kayo, Lady Veth?", Dan
"Hindi na kailangan. Meron na akong kasama." Tukoy nito sa dalawang naka-unipormeng lalaki.
"Ipagda-drive na lang kita", pagpu-pumilit pa rin ni Dan
"Meron na akong driver. Hindi na kailangan. Salamat na rin.".
Akma ng sasakay si Veth ng pigilan niya ito. hinarangan pa niya ang pinto ng sasakyan.
"Whats your problem Mr? nakita mo namang nagma-madali ako diba?", bakas na sa mukha nito ang inis sa kanya. Na ikinatu-tuwa naman ni Dan. Isang magandang tanawin para sa araw na iyon.
"My Lady, baka nakaka-limutan niyo po na bilin ng inyong ama na dapat ay kasama niyo ako sa mga pu-puntahan niyo. At saka nga pala, alam ba ni Dylan ang lakad niyong ito?", pagta-tanung ni Dan. Natigilan naman ang dalaga sa kanyang pagta-tanung. Mukhang mahilig nga itong tumakas.
Habang bina-bantayan niya ang mag-kapatid na Junylyn at Melanie, lihim naman niyang ina-alam mula sa ibang mga kasama ang tungkol kay Veth. At pare-pareho ito ng mga kwento. Na palaging napapa-galitan ang dalaga dahil sa pagtakas-takas nito kahit noong nasa ibang bansa pa ang mga ito. mukhang pasaway talaga.
At ito nga, siya na mismo ang naging patunay.
"Lady Veth, Lexing anung nangya-yari dito? bakit naka-handa ang kotse? ", si Dylan
"Mr. Dy!", mukhang nagulat ang dalaga ng makita si Dylan.
"Mukhang may lakad po si Lady Veth.", sagot naman ni Dan
"Lakad? Alam po ba ito ng inyong ama? But he didn't inform me about this. My Lady, you're not trying to.."
"Salamat sayo!", patungkol niya kay Dan. Ngunit hindi ito isang magandang pasa-salamat. Galit ito sa kanya.
Pa-dabog na sinara ni Veth ang pinto ng sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay. Napa-kamot na lang si Dan sa ulo. Mukhang bad move ang nagawa niya. Iiling-iling lang si Dylan habang sinu-sundan ng tingin ang dalaga. Ngunit ng humarap ito sa kanya, seryoso na naman ang mukha nito.
"Lexing, ngayon siguro alam mo na kung bakit laging dapat may kasama si Lady Veth. Mas bigyan mo ng atensiyon ang pagba-bantay mo sa kanya. Siguradong ga-gawa siya ng paraan para maka-takas. At hindi natin alam kung anu ang pwedeng mangyari. Alam mo naman siguro kung anu ang tunay na lagay ng pamilyang ito."
"Opo. Alam ko po. Pero, hindi po ba masyadong mahigpit ang mga tao dito kay Lady Veth?",
"Nagi-ingat lang.. hindi naghi-higpit.". tinalikuran na siya ng ka-usap at pumasok na sa loob ng bahay.
Napa-buntong hininga na lang si Dan bago sumunod sa lalaki. Bago maka-pasok sa sariling kwarto, may narinig si Dan na nagu-usap mula sa hardin ng bahay na iyon. Mula sa kinata-tayuan sumilip siya sa bintana at nakitang nagu-usap ang mag-kapatid na Junylyn at Veth. Nakapamaywang si Junylyn habang ka-usap si Veth. Hindi man marinig ng husto ang pinagu-usapan ng dalawa alam niyang may kinalaman dito ang nang-yari sa muntik na pagtakas ni Veth.
Nahagip ni Dan ang mga ekspresyon sa mukha ni Veth ng konting mapa-harap ito sa kinaro-roonan niya.
"Ang mga matang iyon…..", saad ni Dan sa sarili.
Siniksik ni Dan ang sarili sa sulok ng makitang pa-pasok na ng bahay si Junylyn. Na-iwang mag-isa si Veth sa lugar na iyon. Mula sa pagkaka-buka ng bibig nito, mukhang sumambit ito ng mahinang mura. Naka-ramdam ng awa si Dan para sa dalaga. At inis naman sa sarili. Na hindi niya maipaliwanag kung bakit. Pero isang pangako ang na-buo sa isipan ng binata.
"Ang mga matang iyon…….. hindi ko na hahayaang makita pa ang mga matang iyon…", pangako ni Dan sa sarili.

Sunday, May 22, 2011

Chapter VIII-Third Lady: The Rose and Wild Butterfly



“Dad, wala pa si Veth! Baka kung saan-saan na nagsuot yun. Knowing her, baka guma-gawa na naman ng gulo.”, maarteng pahayag ni Junylun.
“She’s with Maurina. So I know she will not do anything wrong.”, tugon naman ng Daddy nila.
Natameme na lang ang dalaga. Saktong namang pag-dating ni Dan sa living room. Si Dylan na kasama ng mag-anak ang tumayo at lumapit sa bagong dating.
Tiningnan mula ulo hanggang paa ni Martha si Dan. Nakita naman iyon ng binata. Nakita niya doon ang dalawa sa mga anak ng Ginoo. At ang isa,
“Nasaan kaya?”, sa isip ni Dan.
“Madam, Lady Junylyn, Lady Melanie, I would like you to meet, Lexing Hidalgo, ang magiging head ng security para po sa tatlong Ladies ng tahanang ito (Ipinakilala si Jaedan sa Codename niya, sa halip na sa regular at tunay niyang pangalan. Kahilingan na rin ito ng binata para protektahan ang sarili). Lexing, siya si Madam Martha Ralizo, ang ma-bahay ni Sir Ralizo. At ito naman sina Lady Junylyn at Lady Melanie, ang iyong agsi-silbihan habang nari-rito ka sa tahanang ito.”
“Clarence, saan mo naman nakuha ang taong ito? sigurado ka bang mapagka-katiwalaan ito? nakapag-background check ka nab a sa kanya? Ayokong malagay sa kapahamakan ang buhay ng mga anak ng dahil sa kanya.”, ayon kay Martha
“You don’t nedd to tell me about that Martha. We’ve been together for so long and yet you still have doubt on how I decide on things like this. ”, maka-hulugang saad ni Mr. Ralizo. Umismid na lang si Martha sa sinabing iyon ng asawa. Gusto namang matawa ni Dan sa nakitang reaksiyon ni Madam Martha
“Madam, miyembro po ng special rask force ng pamahalaan si Lexing. Na-check na rin po naming ang lahat ng tungkol sa kanya. Kaya sigurado po kami sa pagka-tao niya. About his capabilities of protecting the Three Ladies, based on his record, we know that he fits perfectly for this job.”, paliwanag ni Dylan.
“Fine. Nagsi-siguro lang.”, naging tanging sagot ni Martha sa sinabing iyon ni Dylan.
Maya-maya isang kasam-bahay ang lumapit sa kanila.
“Sir, nandito na po sina Lady Veth.”, katulong
“Patuluyin sila agad dito.”, Mr. Ralizo
“ang pangatlo! Sa wakas nandito na.”, saad ni Dan sa sarili
“Goodevening Dad.”
Medyo na-gulat si Dan ng marinig ang tinig ng nag-salita. Pinilit niya ang sarili na wag tumingin sa nag-salita. Para mas ma-excite pa siya na makita ito.
“At saan ka naman nang-galing Veth? Alam mo ba kung anung oras na?”, masungit na tanung ni Martha sa bagong dating
Si Maurina ang sumagot sa katanungang iyon ni Martha.
“Na-abutan po kami ng traffic sa daan Madam. Na-mili po kami ng mga ga-gamitin ni Lady Veth sa darating na pasukan.”
Sumenyas ang daddy niya kay Dylan upang ipakilala naman si Veth kay Dan.
“Lady Veth, ito po si Lexing Hidalgo ang magiging head of Security para sa inyong tatlo nina Lady Junylyn at Lady Melanie. Makaka-sama niyo rin po siya sa mga lakad niyo. At kapag nasa Dormitoryo po kayo, siya rin po ang magba-bantay sa inyo.”, Dylan.
“wait!!!! Kahit saan kami magpunta? Nakasunod samin yan?”, gulat na tanung ni Junylyn
“Bukod pa sa kanya, may anim pa po kayong kasamang body guard.”, dagdag pa ni Dylan
“Dad!!!! May freedom pa ba kami? Mom????”, Junylyn
“This is for your security ija. Bago lang kayo dito. maraming hindi maiiwasang bagay na maaring mag-lagay sa inyo sa kapahamakan. Iyon lang ang ini-iwasan ng daddy niyo. Sana maintindihan niyo po.”, Dylan
Pa-lihim namang tini-tingnan ni Dan ang bagng dating na dalaga. Matangkad itong tingnan. Hindi ganun kataasan ang suot nitong heeled shoes. Naka-formal dress din ito. naka-puyod ng mahigpit ang mga buhok. Light make-up ang gamit nito. Hindi katulad ni Lady Junylyn na nasa bahay lang, grabe ang make-up sa mukha. May perfect curves din ito. almost perfect na ang figure nito. Medyo hindi lang agad mapa-pansin, dahil sa suot nitong damit. Manipis lang ang mga labi nito na bumagay sa matangos nitong ilong. Mahaba at mapilantik ang mga pilit-mata nito. Na-tigil naman sa pag-estima si Dan sa babae na mapa-dako siya sa mga mata nito.
“Bakit ganun?”, sa isip ng binata.
“Lex”, Mr. Ralizo
“Ye-yes sir!”, Dan
“Bukas ka na magsi-simula. Si Dylan na ang mag-bibigay sayo ng iba pang detalye tungkol sa trabaho mo. Junylyn, Melanie, Veth, kung magka-karoon kayo ng lakad bukas, kay Dylan niyo ipa-alam.”, Mr. Ralizo
“Clarence! Bakit kay Dylan sila magpapa-alam?”, Martha
“Si Dylan ang magsa-sabi sakin tungkol sa mga lakad ng mga bata. Tulad ng dati, ako ang magde-decide kung pwede silang pumunta sa lugar na gusto nilang puntahan.”, maawtoridad na pahayag ni Mr. Ralizo
“But Clarence! Anung magiging silbi ko dito?”,
“You’ll be going with me tomorrow, Martha. May pau-usapan at pu-puntahan tayo.”.
Pagka-tapos sabihin iyon, tumayo na at umalis si Mr. Ralizo sa living area. Walang na-gawa si Martha kundi sumunod sa asawa. Tumingin muna at umirap si Junylyn kay Veth bago tuluyang umalis. Tahimik namang sumunod si Melanie sa kapatid. Umalis na rin si Dylan. Nanatili namang naka-tayo lang si Dan. Na nagulat sa nasak-sihang eksena.
“Lady, Veth ipinahanda ko na po ang pag-kain niyo. Ia-akyat ko na poi tong mga gamit niyo”, Maurina.
“Sige salamat. Su-sunod na rin ako. Wala akong ganang kumain. Paki-sabi itabi na alng iyong hinanda.”, Veth
“Sige po.”, MAurina
Pa-biglang umupo si Veth sa couch malapit sa kanya. Nag-simulang mag-hubad ng sapatos. Nilugay ang buhok at huminga ng malalim. Habang si Dan naman ay enjoy sa naki-kita niya. Pumikit ang nasa harap na dalaga. Hinayaan ni Dan na mag-sawa ang mga mata niya sa magnadang tanawing naki-kita. tama siya, may interesting ang pangatalong dalaga. Pero muling na-alala niya ang nakita sa mga mata nito.
Muntik ng mapa-talon sa kinata-tayuan si Dan ng magsalita ito habang pikit.
“Mahilig ka ba talagang tumitig sa tao?”, Veth
Mahinang tawa ang pinakawalan ni Dan bago sumagot.
“depende sa tao. Depende kung ka-aya ayang tingnan. Siguro ti-titigan ko talaga.”
“Really? So im one of those “Ka aya-ayang” pagmasdan.  Tama ba?”, biglang nag-mulat si Veth at tumingin sa binatang nasa harapan niya.
Nakita niyang naka-ngiti ito sa kanya. At hindi niya gusto ang pagkaka-ngiti nito sa kanya. Parang may nasa-isip ito.
Kulang ang salitang gwapo para sa taong ito. katam-taman ang katawan nito. Sa pusta ni Veth nasa six feet ang taas nito. Matangos ang ilong, mapu-pulang labi. Mapang-akit na mga mata. Sa itsura pa lang nito, halata ng Ladies Man. Napa-pikit ulit si Veth at napa-isip.
“Bakit ganitong tao pa ang kinuha ni Dad?” ., Veth
 Mukhang hindi siya mapapanatag kung ito ang laging kasama. Napa-bunting hininga na lang si Veth sa na-isip.
“May problema ba?”, tanung nito sa kanya
“Wala naman. Mag-pahinga ka na.”, ayon kay Veth
“Wow! Ang bait mo naman!”, parang tuwang-tuwa ito sa narinig. Base sa pagkaka-sambit nito sa mga salitang nabanggit.
Tiningnan muli niVeth ang binata. Naka-ngiti na naman ito sa kanya.
“Hindi ka ba nanga-ngawit sa kangi-ngit mo? Kasama ba yan sa training niyo? Ang ngaumit ng ngumit?”, masungit na tanung ni Veth.
Unti-unti ng nakaka-ramdam ng discomfort si Veth sa paraan ng pagkaka-ngiti nito sa kanya. Parang tagos buto kung maka-titig ito sa kanya.
Tuwang-tuwa naman si Dan sa naki-kitang reaksiyon sa dalaga. Mukhang nai-ilang na ito sa paraan ng pagkaka-titig niya dito. na sinasadya naman ng binata.
“Goodnight!”, dali-daling kinuha ni Veth ang sapatos at umalis sa lugar na iyon. Bago pa siya maging aware masyado sa pagkaka-titig ng binata sa kanya.
“Goodnight, My Lady”, yumukod pa si Dan sa dalaga kahit alam niyang hindi ito naka-tingin.

Monday, May 9, 2011

Chapter VII-Third Lady: Wild Butterfly


"Mahilig ka pa rin pala sa Rose"
Naka-talikod man alam ni Jaedan kung kanino ang boses na iyon. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at hinarap ang nagma-may ari ng boses na iyon.
"Magandang umaga po Mother Superior.", magalang na pag-bati ni Jaedan sa Madre.
"Mabuti naman at nabisita ka dito Dan-Dan.", Mother Superior.
"Ngayon lang po na-bakante sa trabaho. Nagustuhan po ba ng mga bata ang dala kong mga regalo?", tanung ni Dan sa Madreng ka-usap.
"Naku naman tina-tanung pa ba yan? Alam mo namanag mababaw lang ang kaligayahan ng mga bata. Kahit na simpleng laruan lang. ang mahalaga eh nara-ramdaman nilang may nagma-mahal at naga-alaga sa kanila.", mahinahong pahayag ng Madre.
"Kung sana po ganun na lang ang lahat. Simple at masaya", maka-hulugang sabi ni Dan
"Hindi i-ikot ang mundo kung simple lang ang lahat. Kailangan din ang mga komplikadong bagay. Para magka-roon ng kulay at konting twist at excitement ang buhay natin."
"Sabi ko nga po."
"Ikaw? Kumusta ka naman? Ang trabaho mo? May asawa ka na ba ngayon?"
"Mabuti po ako. Okay naman ang trabaho. Nabu-buhay kop o ng ma-ayos ang sarili ko. Asawa? Sa hirap po ng buhay ngayon, ni girlfriend ka hindi ko maisip na magka-roon. Masaya naman na po ako kahit mag-isa. Okay naman po ako. Sanay na rin.", Dan
"Iba rin ang may kasama sa pag-tanda. Ang maga-alaga sayo sa tuwing may rayuma ka. O di kaya may magpapa-alala say o kapag makaka-limutin ka na"
"Mother, nandyan naman kayo. Eh di pag-matanda na ako, ba-balik na alng ako ulit dito. atleast dito, mas amrami ang makaka-sama ko.", Dan
"Mga bata lang ang pwede dito. hay naku Jaedan. Darating at daratig din ang nara-rapat para sayo. Mag-hintay ka lang.", ayon sa Madre.
Naputol ang usapang iyon ng tumunog ang cellphone ni Jaedan.
"Excuse me lang po." Lumayo ng ka-unti si Jaedan bago sagutin ang tumawag.
"Hello Sir. Goodmorning Lexing speaking."
Siya si Jaedan Carl Mintos. Walang pamilya lumaki sa bahay ampunan. Isang may-kayang mag-asawa ang umampon sa kanya ng sampung taong-gulang siya. Sa kasalukuyan kasapi siya ng isang elite special agent sa bansa. Grupo ito sa ilalim ng pamama-lakad ng Gobyerno na hindi lingid sa kaalaman ng madla ang kanilang existence. Kunbaga nasa underworld society sila. Wala nakaka-alam ng tunay nilang pagka-tao. Kahit ang kapwa nila miyembro walang alam tungkol sa isat-isa. Ni hindi nila alam kung sino sa mga nakaka-salubong nila sa araw-araw na buhay ang kasapi sa samahan. Tanging ang tinu-turing at tina-tawag na "Sensei" at ang Presidenti ng bansa ang nakaka-kilala sa kanila. Isa lang siya sa ma-swerteng napili matapos ang mahabang proseso at matinding mga pag-subok.
Meron silang kanya-kanyang codename na gina-gamit sa pakikipag-usap sa mga opisyal. Ang trabaho nila kadalasan ay bodyguard ng mga importanteng tao. Base sa estado sa komunidad. At siya ay kilala bilang si "Lexing" sa grupo. Ayon sa tawag na natanggap niya, isang bagong misyon ang ga-gampanan niya sa buhay ng isa sa mga pangunahing tao sa Mob sa buong mundo na kinabi-bilangan ng Presidenti.
"Pina-dala ko na sa e-mail mo ang iba pang detalye. Kaw na ang bahala. Nadun a rin ang oras at address kung saan kayo mag-kikita.", iyon lang at pinutol an ang tawag.
Nagpa-alam na rin agad si Jaedan at nag-tungo sa ini-okupang suite sa Pasay. Wala siyang permanenteng tirahan base na rin sa trabaho. Kahit sa mga kumupkop sa kanya ay pinutol na rin niya ang komunikasyon para na rin sa siguridad ng mga ito. ito rin ang dahilan kung bakit ma-limit na siyang pumu-punta sa orphanage na iyon.
Binuksan niya agad ang laptop na gamit sa trabaho. Na-kuha na niya ang address at mukhang sa bahay mismo nito sila magki-kita.
"Aba! Bago to!", sambit ni Dan
Dati-rati kasi ay sa mga tagong lugar siya nakikipag-kita. at kadalasan pa ay sa mga secretary at representative ng mga ito. wala naman siyang paki-alam sa pamamaraan ng mga ito. importante lang sa kanya ay matapos ang trabaho. Maya-maya ay tumunog ang telepono niya sa bahay. Napa-ngiti siya ng marinig ang boses ng tumaawag.
"Cynthia, honey. Napa-tawag ka"
"Danny Honey, nasaan ka ba? Kanina pa ako tuma-tawag, wala namang suma-sagot.", maarteng pahayag ng babae.
"Sorry Cyn, may inasikaso lang ako.", pagpa-paliwanag niya dito
"Baka naman babae yan! Hindi mo na ba ako love?", animoy nai-iyak na ang tinig nito.
Napa-kamot na lang sa ulo si Dan. Si Cynthia Ramirez isang top model. Nakilala niya sa dinaluhang bachelors party. Maganda, sexy, matalino, socialite. At higit sa lahat "magaling". Sa lahat ng mga naka-relasyon niya, ito lang ang tumagal ng limang buwan. Pero lately, nahahalata niya na nagiging demanding na ito. na ayaw na ayaw niya sa isang babae.
"Cyn, sorry I need to go. May meeting pa akong pu-puntahan. Bye."
Pagka-baba ng telepono. Nag-dial si Dan sa suki niyang flower shop. Tulad ng dati, papa-dalhan niya ito ng bulaklak. With a note written ang infamous line niya sa pakikipag-break, "I'm sorry. You deserve someone better. I wish you luck! Love Dan".
Nag-madaling umalis si Dan sa suite. At tumungo gamit ang kotse sa address na nakuha niya. Sa isang malaki at exclusive subdivision siya naka-rating gamit ang address na nakuha. Mukhang naka-timbre na sa guard ang pag-dating niya. Dahil wala ng ibang salita at agad siyang pina-pasok. Ngunit bago pa man niya marating ang mismong lugar isang check point ang ginawa. Na naging dahilan para mag-lakad siya patungo sa bahay ng kumuntrata sa kanya.
"Woaahahhahah!!!! meron palang ganitong bahay dito sa Pinas. Kita mo nga naman. Mukhang bigtime talaga to. Ang ibig lang sabihin, may delikado ang buhay mo Jaedan Carl.", ka-usap ni Dan sa sarili.
Mas lalo pang na-mangha si Dan na maka-pasok siya sa mismong bahay. Isang modern Palace ang lugar na iyon. Na-putol ang pagka-mangyan ni Dan sa lugar ng may lumapit sa kanya na naka-unipormeng lalaki. And he was escorted sa study room. Doon niya nakilala ang magiging bagong boss niya.
"Good afternoon Sir."
"So you must be Lexing. Im Clarence Ralizo.",maikling pagpapa-kilala sa kanya.
May ini-abot sa kanyang maliit na envelope ang isa sa mga tauhan nito. Binuksan niya iyon. Nagulat ng makita ang tatlong litrato ng mga babae. Ngunit sa isang larawan na-pako ang kanyang mga mata.
"They are my daughters. Sila ang pages-serbisyuhan mo. You will serve as their Legal Butler. You will drive for them. Gurad them day and night. Escort them to whatever event they will attend to. And even risk your life for them", ayon kay Mr. Ralizo
"You were recommended by the head of your league personally, so we are expecting so much from you Mr. Lexing.", pahayag ng isa sa mga naro-roon.
"Ma-asahan ba kita, Jaedan Carl Mintos?", Mr. Ralizo
"Yes sir! i will do whatever it takes to protect your daughters sir."
"Good. Si Dylan na ang magpapa-liwanag na iba pang detalye sayo.",Mr. Ralizo
Matapos ang usapang iyon lumabas din agad ang lalaki at na-iwan doon si Dan at si Dylan. Base sa naging paliwanag ng matanda ssa kanya na si Dylan, 24 hour niyang babantayan ang magkapatid. Lahat ng mga gina-gawa ng mga ito ay ire-report kay Dylan. At ito an ang bahalang magpa-hatid kay Mr. Ralizo. Sa bawat lakad ay kasama siya. Bini-bigyan din siya ng karapatan para pagbawalan ang sino man sa tatlong magka-kapatid sa gusto nitong puntahan ayon na rin sa magiging desisyun ni Dylan at base sa iba pang dahilan. Bukod sa kanya, anim pa ang magiging personal na gwardiya na sasama sa lahat ng pu-puntahan nila. Pero ang lahat ng desisyun and huling desisyun ay mangga-galing pa rin kay MR. Ralizo
"si Lady Veth, sa araw ng Miyerkules at Sabado, sasamahan mo siya sa opsina. Magpa-part time job siya doon. Mai-iwan ang iba para bantayan sina Lady Junylyn at Lady Melanie. "Dylan
"Bakit si Lady Veth lang po ang nagta-trabaho?",
"Hindi na iyon parte ng trabaho mo. Ang malaman ang dahilan. Mamaya,pormal ka ng ipapa-kilala sa magiging mga amo mo. Ipapa-tawag ka na lang sa katulong.", pormal na pahayag ni Dylan.
Sumenyas ito at isang katulong ang lumapit sa kanila.
"Ihatid mo siya sa tu-tulugan niya. Padalhan mo na rin siya ng pagkain sa kwarto.", utos nito sa katulong.
Tumango lang ito. sumunod na rin siya dito. habang hini-hintay ang tawagin siya, matamang tini-titigan ni Dan ang mga litrato ng pagsi-silbihan niya. Sa larawan pa lang maki-kita na ang pagkaka-iba ng mga ito sa isa't-isa.
"Interesting!", Dan.
Maya-maya lang ay may kumatok na sa kwarto niya.
"Pinapa-tawag na po kayo."