Sunday, May 22, 2011
Chapter VIII-Third Lady: The Rose and Wild Butterfly
Monday, May 9, 2011
Chapter VII-Third Lady: Wild Butterfly
Chapter VI-Third Lady: Other Roses Part 2
Chapter V-Third Lady: Other Roses Part 1
Tuesday, May 3, 2011
CHAPTER IV- THIRD LADY: POT
"Magandang umaga Pilipinas!!!!!!!!!!!!!! Woohhh!!!!!! Ang gaan ng paki-ramdam ko!!! Grabe ganito pala kung maaga ako gi-gising."
Sunday, May 1, 2011
Chapter II-III –THIRD LADY
CHAPTER II- THIRD LADY: NEW PLACE TO GROW
"Señorita, gising na po. kailangan niyo na pong mag-handa.", sigaw ng isa sa mga katulong sa natu-tulog na si Veth.
"It's still maaga pa. give me ten more minutes!!!",tugon ng dalaga. "But maam, your dad will get mad at me if he find out that youre still on bed.", may pagma-makaawa sa boses ng katulong.
Gusto niyang sigawan ang katulong,ngunit hindi niya magawa!!! "Arrghghghg!!!! Fine fine!!!!!",ani ni Veth. Pero sa halip na tumayo, nagkulumbot pa siya lalo ng kumot. Kinapa niya ang orasan sa side table. At ganun na lang ang takot niya ng makita kung anung oras na!!!
"Oh no!!!! sh**", tinakbo ni Veth ang banyo at dali-daling nag-ligo. Hindi na siya nagulat ng makita pag-labas ng banyo ang Daddy niya na masama ang tingin sa kanya.
"what now, Veth? Do you know what time is it? we'll be late for our flight!!!", asik ng daddy niya.
"I'm sorry Dad, medyo pu-"
"Puyat? Puyat na naman? Wala ka na bang pwedeng i-dahilan??? Nisa!!! ", tawag nito sa katulong na kanina ay gumising sa kanya. Pag-pasok nito sa kwarto niya, may dala-dala na itong damit. Obvious, yun ang isu-suot niya.
"Dad!! Don't tell me yan ang su-suotin ko? Dad, grown up na ako!!! I'm 18!! Please let me choose what dress I want to wear"
"Yeah youre 18, and still matigas pa rin yang ulo mo!! Ikaw ang pipili? Then what?? You'll chooses those trash again?? And embarrassed me in front of everybody?"
Alam ni Veth kung anu ang tinu-tukoy ng ama. It was during her graduation in high school. Nang mag-suot siya ng free style during the graduation ball.
"Dad, I explain it na to you diba? Hindi ako naka-"
"You'll wear these clothes at wala ka ng ida-dahilan pa. we'll be expecting you sa baba after ten minutes!"
"Dad? Ten mi-"
"ten minutes!!! That's all you have to prepare!". yun lang at iniwan an siya ng ama with those bunch of undesirable clothes. Looking at those pieces, for sure ang step-mom na naman niya ang pumili nun.
"Anu pa ba ang a-asahan mo? Dapat lang naman na ang mga anak niya lang ang maganda.". Yes! She's not a "real" part of this family, Expect sa anak siya ng Daddy niya. Well, alam naman niya na hindi siya tinu-turing na kapamilya ng stepmom at dalawang kapatid-kapatiran niya.
Pagka-baba ni Veth andun nga ang mga Dad niya with his new family.
"How long mo kami gustong mag-wait sayo? Gosh!!! You're wasting our time!!!", pagre-reklamo ni Junylyn. Isa sa mga stepsister niya. Habang ang isa nitong kapatid na Melanie ay walang paki-alam na naka-tingin lang sa kanya. Sa dalawa mas pipiliin niya si Melanie. Dahil lagi itong walang imik.
"I'm sorry, medyo nalate lang ak-"
"Lets go na!! honey, buti na lang pala nakapagpa-reserve na ako. Kundi pala kung saan tayo pu-pulutin.",pagpapa-rinig ng stemother niya sa kanya.
"Veth, wala ka na bang naiwanan. Lahat ng luggage natin nasa sasakyan na. na-check mo na ba yun last night?". Tanung ng Daddy niya sa kanya.
"Naku naman!!! Clarence, wala na tayong oras para sa pagche-check up ng mga gamit ng anak mo. Late na tayo!!!"
"dad, don't worry. Okay na lahat ng gamit ko wa-"
"Yun naman pala. So what are waiting for?? Pasko??", talak ni Junylyn.
Pa-dabog itong lumabas ng bahay nila. Sumunod naman agad dito ang kapatid niyang si Melanie. Taas kilay lang siyang tiningnan ng stepmother niya bago ito lumabas kasunod ng mga anak nito. She look to her dad to see what is his reaction about how her stepsister behave as well as her stepmother. pero just like before, his face shows no emotions. She hear nothing from him. Basta na lang itong umalis without saying a thing to her.
"anu pa bang bago?", nailing na saad ni Veth sa sarili niya.
Napaka-bilis ng mga pangya-yari ng umagang iyon. Kani-kanina lang nasa bahay nila siya dito sa America at ngayon naman ay eto siya at lulan na ng eroplanong magda-dala sa kanila pa-balik sa Pilipinas. Ngayon na alng siya ulit sumakay sa eroplano. Hindi naman kasi siya nakaka-sama sa mga lakad ng pamilya ng papa niya. Hindi dahil ayaw niya. Kundi ayaw ng bagong pamilya nito. At tyaka, wala siyang lakas ng loob para sumakay o maka-kita ng eroplano. Bina-balik lang nito ang isang tagpong nag-dala sa kanya sa sitwasyong kinaro-roonan niya ngayon.
Eleven Years Ago
"Lola, ang laki ng airplane sa personal!! Wow!!!! Lola dyan po ba tayo sa-sakay?", tanong ni Veth sa Lola niya.
Ngumiti lang ang matanda sa tinurang iyon ni Veth. May narinig siyang nag-salitang babae. Nakita ni Veth na nag-simula ng kumilos ang nga taong naro-roon.
"Ija, Lideveth", tawag sa kanya ng kanyang Lola.
"Bakit po?"
"Ija, lagi mong ta-tandaan na mahal na mahal ka ni Lola. Na walang pa-palit sayo sa puso ko!!! Ikaw lang ang nagi-isang prinsesa para sa akin. Sa amin nina Yaya Melgring mo. Magpapaka-bait ka. Maging matatag ka lagi. Apo, abutin mo ang mga pangarap mo sa mabuting paraan. Mag-aral ka ng mabuti. Lagi kang mag-dasal. Ingatan mo ang sarili mo. Wag kang magpa- "
"Lola, bakit mo po sina-sabi yan? Bakit po akyo umi-iyak? Ako din Lola nai-iyak din. Lola, wag ka ng umiyak. Mahal na mahal ko rin po kayo. Syempre po mag-aaral ako lagi. Magbe-behave po ako."
Muli pang narinig ni Veth ang tinig ng babaeng nag-salita kanina sa mikropono.
"Lola ta-"
Natigil si Veth sa sa-sabihin na pag-lingon niya ay wala na roon ang Lola niya. Sa Mrs. Dela Paz ang naroon kasama si Atty. Delgado.
"Si Lola po?"
"Tayo na Ms. Ralizo ", walang emosyong saad ni Mrs. Dela Paz habang naka-tingin sa kanya.
"Ahmmm… hindi po ako yun, Rich-"
"Simula ngayon ang ikaw na si Lideveth Mhey Ralizo", ayon kay Atty. Delgado
"Ahhhmmmm.. hahanapin ko po muna ang Lo-"
"Wala na siya dito. iniwan ka na niya."
"Hindi po pwede yan, pupunta po kami sa America at ka-"
"Anton, dalhini mo na siya. Mahu-huli tayo sa flight."
Isang matangkad na lalaki ang humablot sa kamay niya at kinaladkad siya papasok sa eroplano. Kahit anung iyak niya at piglas, walang nag-balak na tumulong sa kanya. Paulit-ulit niyang tinawag ang Lola niya upang tulungan siya. Ngunit walang Lola ang dumating upang tulungan siya.
At eto na nga siya sa kasalukuyan. Labing-isang taon na ang nakaka-raan, pero malinaw pa rin sa kanya ang tagpong iyon. Hindi na namanlayan ni Veth ang pag-tulo ng kanyang mga luha.
"Bakit? Bakit Lola?",tanung ni Veth sa sarili at taung din na matagal na niyang gustong itanung sa Lola niya.
May kaba sa puso niya ng malamang la-lapag na ang eroplano. Ibig sabihin naka-balik na siya. Naka-uwi na siya. Wala siyang makapang-takot sa nararamdaman. Sa halip, kapanatagan na sa mga oras na iyon niya lang naramdaman matapos ang mahabang taon.
"Eto yata ang sinasabi nilang HOME SWEET HOME", ani niya sa sarili.
Naputol ang pagi-isip niya ng may tumapik sa kanyang balikat. Si Melanie.
"Tumayo ka na daw. Naka-lapag na tayo.", walang-emosyong sabi ni Melanie sa kanya.
Pagka-baba nila sa eroplano, sinalubong agad sila ng mga naka-unipormeng mga tao. Nag-bigay galang ang mga ito sa kanyang ama. Maging sa kanila.
"Maligayang pag-dating Ginoo."
Sabay-sabay nitong turan sa kanyang ama.
Mula sa grupong iyon, lumapit sa kanila ang dalawang pamilyar ng indibidwal. Mga taong nagkarooon ng malaking papel sa kanyang nakaraan.
"Maligayang pag-dating Sir! At sa inyong pamilya. Sinandya ko po talagang personal kayong salubungin.", ayon sa isa sa mga ito.
"Maurina, natu-tuwa akong makita ka. Ganun din sayo Atty. Delgado. Siguro naman hindi niyo muna ako oagta-trabahuhin. ", tugon ng kanyang ama.
"Hindi po Sir. Tayo na po. naka-handa na po ang lahat para sa inyong pag-dating."
"Mabuti kung ganun. Pagod na pagod kami sa byahe, Honey lets go na pwede?", maarteng pagsa-salita ng stepmother niyang si Martha.
"alam po naming iyon, kaya tayo na po."
"Ahmmmmm Veth, sa kotse na lang nina Atty. Ka sumabay, medyo mapu-puno na kasi ang sasakyan naming ng daddy mo dahil sa mga bagahe.", pagu-uto sa kanya ni Martha.
Akma na siyang pa-pasok sa sasakyan nina Atty. Delgado ng biglang mag-salita ang kanyang Daddy.
"Maurina, ilagay mo sa isang sasakyan lahat ng bagahe. Wag kang magla-lagay sa sasakyan naming mag-anak. Junylyn,Melanie pumasok na kayo sa loob. Martha, samahan mo na sila sa loob.", ma-awtoridad na saad ng kanyang ama.
"Honey, pumasok ka na rin.",ayon kay Martha.
"Sa kotse nina Maurina ako sasabay."
"Wha---at?? Pero dito kami naka-sakay. You must jo-"
"We have somethings to discuss"
"Pero you can do that ka-"
"I don't want any argument about this Martha."
"yes, Im sorry…."
"and you Young lady, anu pang tinatayo-tayo mo dyan?", tukoy sa kanya ng ama.
"Sumakay ka na. dito ka sa likod umupo. Katabi ni Maurina. Sa unahan ako u-upo.".
Nagulat man sa tinuran ng ama, nag-gawa pa rin niyang mag-madaling sumakay sa kotse. Bago tuluyang umalis ang mga sasakyan, nakita niya ang masamang tingin sa kanya ni Martha. Napangiti na lang siya sa nang-yari.
"I think I just got a point against them this time."
CHAPTER III- THIRD LADY: BEDS OF THORNS
"Dad, next month pasukan na. and we haven't choose the school kung saan kami pa-pasok! Baka naman po pwede kaming mag-tour around the place. Para maka-gain kami ng info sa kung saan pwede kami pumasok", ayon sa kapatid niyang si Junylyn.
"Wag po kayong mag-alala, Lady Junylyn. Na-asikaso na po naming ang lahat. So wala nap o kayong dapat alalahanin about that.",tugon naman ni Maurina.
"Well, that's good. Its good to hear that you're doing your job, even wala dito ang asawa ko.", maarteng pagsa-salita ni Martha.
"Ofcourse, madam. We don't want to disappoint our boss.", sang-ayon naman ni Atty. Delgado
"Hay naku… buti pa yung ibang tao, ayaw maka-disappoint sa'yo honey. Pero bakit kaya kung sino pa ang parte ng "pamilya", siya pa ang may ganang gumawa ng kalokohan. Life is so unfair. Tama ba Juny?".ayon kay Martha
"Definitely right Mom.",tugon ni Junylyn.
Hindi man direktang sinabi ang pangalan niya, alam ni Veth na siya ang tinu-tukoy ng mag-ina. Ano pa ba ang a-asahan niya sa mga ito. wala na yatang alam ang mga ito kung hindi ipa-hiya siya sa lahat.
"Well,"
Putol ng kanyang ama sa usapan ng mag-ina.
"Maurina, nai-ayos mo nab a ang mga papeles ni Veth?"
"Papeles? Ni Veth? Para saan Clarence?", pagta-tanung ni Martha sa kanyang ama.
"Napag-desisyunan kasi na Business Management ang ipa-kuhang course kay Veth. At simula next month, kasabay ng pasukan. She will undergo training sa office about some matters."
"Honey? Si-sigurado ka bas a mga sina-sabi mo? I mean.. si Veth? Magta-trabaho sa office mo? Baka pagod ka lang. mabuti pa siguro magpa-hinga ka muna. You ne-"
"Martha, hindi ko kailangang mag-pahinga. Matagal ko ng plano ito and be-"
"What? You have planned about this? At wala ka man lang sina-sabi sa akin? Clarence!!"
"Martha, my decision is final. Ang you know that we I decide, I do everything to make it happen. And no one object to whatever I have decided. Wether I tell you about it or nor. It does not matter. Ako lang ang nagde-decide sa mga bagay about my business."
"Your business is my business as well!!! im your wife Clarence!!! Im your wife!!", hysterical na saad ni Martha sa mga sinabi ng Daddy niya.
"Maurina, ipa-hatid mo na sila sa bahay. Atty. Sa office tayo tu-tuloy.". yun lang at tuluyan ng tumayo ang Daddy niya mula sa hapag. Nakita niyang nataranta si Martha. Tumayo din ito at hinabol ang daddy niya. Nakita nilang hindi man lang ito pinansin ng Daddy niya. Tuloy-tuloy lang ito na sumakay sa kotse.
"Masaya ka ba?"
"Huh? Anung tinu-tukoy mo?"
"Magmaang-maangan ba? Hindi ba gustong-gusto mong naga-away sina Dad at Mom? Diba? ", galit na sabi sa kanya ni Junylyn.
"Wala akong maintindihan sa mga si-"
"Sige lang! mag-saya ka!!! Dahil this will be the last time na mag-aaway sila because of you! Lanie, lets go!".
Tiningnan lang ni Veth ang dalawa habang papa-layo. Sa kotse ito agad nag-tuloy kung saan naka-sakay ang ina ng mga ito. Ta-tayo na sana siya upang sumunod sa mga ito. nang makita niyang umalis agad ang kotseng sinakyan ng dalawang mag-kapatid. Hinabol pa niya, pero hindi na ito huminto upang pasakayin siya.
"Paano ako nito?",
"Lady, sumabay na po kayo sa akin.", tukoy sa kanya ni Maurina.
Hindi na siya nag-tanung. Sumunod na lang siya dito. ayaw na niyang mag-isip sa mga oras na iyon. Lalo siyang naka-dama ng pagod dahil sa sunod-sunod na nang-yari. Ang gusto niya lang sa mga oras na iyon ay makapagpa-hinga.
"Medyo malayo ang byahe. Maari kang matulog muna. Gi-gisingin na lang kita kapag naka-rating na tayo.", walang emosyong pahayag ni Maurina. NI hindi man lang siya nito tiningnan.
Di bale, hindi na naman nito kailangang sabihan pa siya. Talagang matu-tulog siya. Keribels sa mga ito.
"Mom! Are you okay?", tanung ni Junylyn sa ina.
Nasa kwarto ang mga ito ni Martha sa bahay nila.
"Im fine. Kailangan ko lang maka-usap ang Daddy mo. Alam mo namang ayoko na naga-galit ito sa akin", ayon kay Martha
"Bakit kasi pina-tulan mo pa kanina ang issue tungkol sa pagta-trabaho ni Veth sa Office ni Dad?"
"Anak! Hindi mo ba na ge-gets ang ginawa ng Dad mo? Ang pwedeng mang-ayri once na mag-start ng mag-work kahit na trainee lang si Veth sa office ng Dad mo?", Martha
"Eh, anu naman kung doon siya mag-trabaho? Eh di, syempre mahi-hirapan siya dun. Convenient nga yun eh, siya nagta-trabaho tayo eto, easy-easy lang. Mom, don't be so pa-"
"Junylyn, hindi mo nai-intindihan. Once na mag-simula siyang mag-trabaho, mas malaki an ngayon ang chance niya na mag-manage ng lahat ng asset ng Dad mo. At kapag nang-yari yun, that girl will take over sa position ng dad mo sa board of director. At higit sa lahat ang hindi pwedeng mangyari ay ang mag-take charge siya sa Mob!!!",hysterical na sabi ni Martha sa anak.
"Mom. That cant be true. Alam kong hindi yan ang palno ni dad. Ang ibigay lahat kay Veth? That so im-"
"Posible. Anything Is possible pag-dating sa Dad mo. Kahit ako, I cant read how he think. Tingnan mo na lang ito. wala sa hingap ko na pagta-trabahuhin niya si Veth sa office. That girl na walang ibang ginawa kundi ang gumawa ng kapalpakan?!!!!! Junylyn, ikaw na lang ang pag-asa ko"
"What do you mean by that Mom?", tanung ni Junylyn sa Ina
"You need to do everything para makuha ang simpatya at tiwala ng iyong ama. You need to do everything. Kung kailangan mong kumuha ng parehong course kay Veth gawin mo!"
"But Mom! Wala akong hilig sa business. And diba napag-usapan na natin na Fashion Designing ang kukunin ko?"
"Noon yun!!! At bakit sa tingin mo, paano mo mai-ipmress ang Dad mo kung yang pagde-design ang ga-gawain mo? Sa tingin mo papalakpakan ka niya kung maki-kita ka niyang nagde-design ng mga.. ng mga walang kwentang likha mo???"
"Mom!!! those "walang kwenta" creations na tinu-tukoy niyo ang natatanging meron ako! Ang kaligayahan ko! Wa-"
"Wala akong paki-alam! Junylyn, kina-bukasan natin ang naka-taya dito. yang kaligayahang sina-sabi mo, that can wait. You can do whatever you want and take the course you like, pero sa ngayon, unahin mo ito. please! "
"Pero Mom, wala ta-"
"kaya ka nga mag-aaral diba? Tomorrow sasabihin ko sa Dad mo ang tungkol dito."
"How about Lanie?"
"Kahit anu, ku-kunin nun. Alam mo naman yung kapatid mo. Anak, ha-hayaan mo bang mapunta lang sa wala ang pinag-hirapan ng dad mo ng dahil sa maaring kapal-pakan ng babaeng yun? Hindi lang ang Dad mo ang pwedeng ma-apektuhan, maging tayo. So anak please,wag ka sanang magpapa-daig sa Veth na yun. Wag mong hahayaang makuha niya ang mga bagay na para sa atin. Para sa'yo. Nai-intindiha mo ba ako?"
"Yes Mom.Pero I can't promise na I'll do well.Mahirap gawin kapag wala ang puso mo sa gina-"
"Anak, I trust you!! Kaya alam kong hindi mo ako bi-biguin."
Pa-ikot ikot lang sa kama niya si Veth. Magma-madaling araw na pero gising pa rin siya. Nama-mahay ba siya? Baka!!!! Arrggghhhhghg!!!!! Dapat na siyang matulog ngayon. Maaga pa silang aalis bujas para mag-enroll. Baka ma-late na naman siyang magising. Siguradong, sermon na naman ang almusal niya. Napag-desisyunan ng dalaga na bumaba para uminom ng gatas. Baka sakaling maka-tulog na siya after uminom nito.
"Di ka maka-tulog? Inu-usig ka ba ng konsensiya mo?"
"Junylyn?"
"Nagulat ka? Bakit may bina-balak ka bang gawin? Su-sunugin mo itong bahay?"
"Anu bang problema mo? Bakit sa tingin mo? Makaka-sunog itong baso ng gatas? Teka nga lang. anu bang pinagsa-sabi mong inu-usig ng konsensiya? Wala akong maalala na ginawang masama. Lalo na sayo!",palabang sagot ni Veth/
"Ang bilis mo namang maka-limot. Well anu pa nga ba ang maasahan sayo. Magaling ka naman kasing mag-deny. Ito lang ang ta-tandaan mo Veth, hinding-hindi ako papayag na mapunta lahat sayo ng pinag-hirapan ni Dad. Hindi sa isang tulad mo!"
"Nagha-hamon ka ba ng away?"
"Don't worry, hindi! Hindi sa isang mababang uring katulad mo".
Matapos sabihin ang mga iyon ay dire-diretso ng umalis si Junylyn. Na-iwan namang hindi maka-paniwala sa narinig si Veth. Nang-hinang napa-upo si Veth sa upuang malapit sa kanya. Kina-kabahan siya sa mga sinabing iyon ni Junylyn. Kilala niya kahit pa-paano ang kapatid niya, kaya nitong gawin ang kahit anu para lang makuha ang gusto nito. Katulad ito ng ina nito. Pero wag naman sana. Wala siyang lakas na kalabanin ito. ang magi-inang ito.
"Goodluck na lang sa'yo Veth."