“Yaya!! Yaya!!! Nasaan po kayo??”, ani ng isang maliit na tinig ng isang batang babae. “Ya!!! Asan na po kayo??”, patuloy na tawag ng batang babae. Maya-maya may isang naka-unipormeng babae ang lumapit sa batang ito.
“Señorita, bakit po kayo bumaba? Papa-galitan po ako ng Lola niyo.”, saad ng babaeng naka-uniporme pag-lapit nito sa batang babae.
“Pero, yaya, kanina pa po kasi ako naba-banyo.”, inosenting sagot ng bata. “di ba may banyo ka naman sa Kwarto mo?”. “yaya, forget mo na ba? Sira kaya yung banyo ko sa taas. Diba pinapa-gawa pa yun ni Lola?”, katwiran ng bata. “Ay oo nga pala!!! Pasensiya na naka-limutan ko kasi. O siya sige… ahmmmm… dito ka na lang sa CR sa maids quarter umihi.” “Teka lang po. Bakit parang ayaw niyo akong---” “Magba-banyo ka ba o magta-tanung na lang?”, putol ng naka-unipormeng babae sa sa-sabihin ng batang babae. “Magba-banyo po…”, naka-ngusong sagot nito.
“Halika na nga!! Baka makita pa tayo ng Lola mo!”. Tumalima naman ang bata. Habang nasa loob ng banyo, sa murang isipan ng batang ito, na-muo ang isang katanungan kung bakit ayaw siya palabasin ng kwarto ng kanyang Lola?
“wala naman akong na-basag na vase. Wala din naman akong pina-iyak na anak ng maids namin.. bakit kaya?”, inosensteng tanung ng batang babae sa kanyng sarili. “Señorita, tapos na po ba kayo?”, tawag sa kanya ng babaeng nasa labas ng banyo.
“wait lang po”,tugon ng batang babae. Gusto man niyang suwayin ang utos ng Lola niya. Hindi pa rin. Dahil siguradong hindi naman siya ang paga-galitan kundi ang Yaya niya. Ayaw naman niyang ipa-hamak ito, dahil mabait ito sa kanya. Maya-maya may narinig siya mula sa labas na nagu-usap. Hindi niya lang maintindihan kung anu ang pinagu-usapan at kung sino ang ka-usap ng Yaya niya dahil sa hina ng mga boses nito. Ilang saglit lang ay muling kumatok ang Yaya ng batang babae. “Señorita, kung tapos na po kayo dyan, pwede na po bang lumabas dyan? pinapa-tawag ka po ng Señora at-”. “Talaga?”, tanung ng bata sabay biglang bukas ng pinto ng banyo.
“Opo. Kaya dalian niyo na po!!”, walang emosyong tugon ng katulong. Nag-taka naman sa tinuran ng Yaya niya ang batang babae. Sa halip na sa sala siya dalhin, ay sa hardin ng tahanang iyon siya sinamahan ng katulong. May pagta-taka sa mga mata ng batang babae ng makitang hindi lang ang Lola niya ang naro-roon. May kasama itong lalaking naka-barong tagalong. Naka-tingin ito sa kanya. Ngunit hindi naman naka-ngiti. Sa kanan nito ay isang babaeng hindi niya rin kilala tulad ng una. Pero nati-tiyak niyang mas bata ito ng ilang taon sa Lola niya. May pagta-taka man, pa-takbong lumapit siya sa Lola niya na kay tamis ng ngiti sa mga labi ngunit na-banaag niyang may lungkot naman sa mga mata.
“Nata-takot ako”,ani niya sa kanyang isipan.
“Ija, dito ka sa tabi ng Lola.”, anyaya sa kanya ng matanda.
Tumalima naman agad ang bata. Napa-gawi ang tingin niya sa kanyang Yaya. Ganun na lang ang gulat niya ng makitang umi-iyak ito.
“Melgring, maari mo na kaming iwan”, uto ng kanyang Lola.
“Lola ba-”, natigilan siya ng makita na may namu-muo na ring mga luha sa mata ng kanyang mahal na Lola.
“Ija, sila nga pala sina Atty. Jacinto Delgado at si Señora Maurina dela Paz. Bumati ka sa kanila”
“Magandang araw pos a inyo. Ako po si Lideveth Mhey Richardson. Please to meet you po”, pagpapa-kilala ng batang babae.
“Napaka-gandang bata. Hindi maita-tangging anak nga siya ni Evith.”, ayon sa babaeng nagnga-ngalang Maurina dela Paz.
“Paano niyo po nakilala ang Mama ko? Kaibigan po ba kayo ni Lola? O ni Mama? Bakit po-”
“Veth, doon ka muna sa Yaya mo. Papa-tawag lang kita mamaya kapag ka-kain na tayo.”, malumanay na saad ng kanyang Lola.
“Si—ge po. Mauna na po ako sa inyo.”’paalam ni Veth sa mga naro-roon. Bago pa siya tuluyang maka-alis sa lugar na iyon. Lumingon siya upang tingnan ang kanyang Lola at ang mga kasama nito. Labis ang pagta-taka niya ng makita niya ang Lola niya na umi-iyak. Ta-takbo sana siya pa-balik ng bigla siyang hilahin sa kamay ng Yaya Melgring niya at dinala sa kwarto niya.
Tulad ng kanyang Lola, umi-iyak din ito. nag-lakas loob siya upang mag-tanung. Dahil nagu-guluhan na rin siya kung bakit umi-iyak ito. ganun din ang Lola niya.
“Ya, bakit ka po umi-iyak?”,tanung ni Veth sa yaya niya.
“Ha? umi-iyak ba ako? Hindi naman ah!! Eto ba? Naku!! Puwing lang to!!”,pag-tanggi ni Melgring sa tanung ng bata.
“eh, Bakit po ang Lola, nakita ko rin siya, umi-iyak!!”
“Kaw talagang bata ka!!! Sige na, ayusin mo na yang mga gamit mo.”,utos ng Yaya niya sa kanya.
“Si Lola po ba nakapag-ayos na ng gamit niya? Paano po kaya yun, may ka-usap pa siya, baka mahuli kami sa flight pa-puntang America!!”
Ngayong araw na ito ang alis nila ng Lola niya papuntang America. Regalo ito sa kanya ng matanda dahil nag-top 1 siya sa kanilang klase sa taong ito. Grade 1 si Veth sa Don Lucas Academy of Sciences. Isang private School sa lugar nila. Pinag-buti niya talaga ang kanyang pag-aaral para makuha ang regaling ito. pero higit sa lahat ang mapa-saya ang Lola niya. And Lola niya ang tanging nag-alaga sa kanya simula ng mamatay ang Mama niya noong mamatay ito pagkapanganak sa kanya. Pero hindi talaga anak ng Lola niya ang Mama niya. Ampon lang ito. hindi kasi biniyayaan na magkaroon ng anak ang Lolo at Lola niya. Kaya napag-desisyunan ng dalawang matanda na mag-ampon na lang. ngunit isang taon matapos ampunin ang Mama niya, namatay naman dahil sa heart attack ang Lolo niya. Kaya simula noon mag-isang pina-laki ng Lola niya ang Mama niya at ngayon nga, ay siya naman.
“Señorita, anu po ang gusto niyong regalo mula sa akin?”, biglang tanung sa kanya ng kanyang Yaya Melgring.
“Regalo? Hindi ko naman po birthday ah!!!”
“Kahit hind, ahmmmm parang advance birthday gift mo sa akin…”
“advance birthday gift?... ahmmmmmm alagaan niyo po ako hanggang lumaki ako at magka-roon ng sariling pamilya. Tapos ikaw rin po ang mag-alaga sa magiging mga babay ko! Pwede na po ba yun?”, naka-ngiting tanung ni Veth sa katulong.
Sa gulat niya ay bigla siya nitong niyakap at dinig na dinig niya ang pag-hikbi nito.
“Veth, mahal na mahal ka ni Yaya ha!! Tulad ng pagmamahal sayo ng Lola mo. Kami lahat dito sa bahay pati yung mga kapit-bahay natin. Love na love ka nila!!! Kahit pasaway ka minsan. Love ka pa rin naming. Kahit anuman ang mangyari ta-tandaan mo yan!! Wag kang magba-bago. Maging strong girl ka ha!! Lagi ka mag-pray kay Papa God. Okay?”
“Yaya, bakit mo po si-”
“Señorita, piñata-tawag na po kayo ng Lola niyo. Kakain na po kayo! ”, putol ng isang katulong sa sa-sabihin niya.
“halika na!!! hindi magandang pinaghi-hintay ang pag-kain.”
“Ya, na-puwing po ba kayo ulit?”
“OO!!! Mukhang kailangan ng major cleaning dito sa kwarto mo. O siya!!! Tayo na!! kailangan mong kumain ng maayos ngayon. Paborito mo lahat ang niluto ni Manang Rosie.”
“Talaga po??? Yehhheeey!!!! Tayo na Yaya!!”
Patakbong lumabas ng kwarto niya si Veth. Excited na siya. Pero parang nakaka-ramdam siya ng lungkot. Na hindi niya mai-paliwanag kung bakit.
Matapos kumain, nag-ayos lang ng kaunti at nag-handa na silang umalis ng Lola niya. Lahat ng mga kasam-bahay nila ay naro-roon sa labas ng bahay nila. Pawing lahat ay umi-iyak. Hindi tuloy maiwasan ni Veth na mapa-iyak na rin. Nakita niya rin ang pigil na luha ng kanyang Lola.
“Bakit po ba kayo umi-iyak? Sa America lang naman po kami pu-punta ni Lola. Ba-balik rin naman po kami dito. ay alam ko na!!!! papa-salubungan ko na lang po kayo ng snow. Tapos ga-gawa tayo ng ice cream. Diba Lola?”
Nakita niyang ngumiti ito. maging ang mga naro-roon sa kabila ng mga luha at napa-ngiti rin dahil sa sinabi niya. Sa-sakay na siya sa kotse ng patakbo siyang bumalik upang yakapin ang yaya niya.
“hindi ko po alam kung bakit ako umi-iyak ngayon. Pero gusto ko lang pong yakapin kayo. Tapoa parang gusto ko rin pong magpa-salamat. I love you too yaya!!!”
Pagka-tapos nito ay tuluyan ng lumulan sa sasakyan si Veth kasama ng kanyang Lola. May kung anung kalungkutan siyang nara-ramdaman sa mga yakap nito sa kanya. Niyakap niya rin ito ng mahigpit at pa-ulit ulit na sinabihan kung ga-ano niya ito kamahal.
“I love you Lola!!!!”, paulit-ulit na saad ni Veth hanggang sa hilahin na siya ng antok dahil sa biyahe.