"Naka-handa na ba lahat ng dadalhin?", pagta-tanung ni Dylan sa mga kasambahay.
Tumango naman ang mga ito. iyon na ang araw na lilipat na sina Veth sa dormitory sa kanilang bagong tahanan sa loob ng isang taon. Iyon na rin ang simula ng unang araw niya sa pag-pasok at sa trabaho sa opisina ng ama. Kahit tinatamad bumangon kanina, ay napilitan na rin si Veth. Ayaw niyang simulang ang araw na iyon na pinapagalitan siya ni Martha. Baka kasi magtuloy-tuloy ng isang linggo.
Hindi na na-abutan ni Veth ang ama sa hapag. Maaga daw itong umalis dahil may board meeting pa ito. kaya naman si Martha at Maurina lang ang kasama nilang pupunta sa University.
"Ina-antok po ba kayo Lady Veth?", tanung ni Maurina.
Maaaring nakita ng babae ang pag-hikab niya.
"Hindi naman masyado. Medyo hindi lang ako naka-tulog kagabi.". Veth
Si Maurina ang kasama niya sa sasakyan. Ang magi-inang Martha, Junylyn at Melanie ang magka-kasama sa isa pang sasakyan.
"Lady Veth, I would like to remind you about your appointment with the HR of the company to finalize your permit to work in the company. This coming Wednesday will be your first day at work.", Maurina
"Anu nga pala ang trabaho ko sa opisina?", Veth
"Sa HR mo na lang po malalaman kung anu ang ipapa-gawa sayo. Naka-ayos na po ang ilan sa mga papers mo. Presenting yourself to the office will be the last process..", Maurina
"Okay.", nag-balik na lang ng tingin si Veth sa labas ng sasakyan. Sana lang maging okay ang takbo ng buhay niya dito sa Pilipinas. Wag na sanang matulad ng buhay niya noon. Nang may ilang alaala ang nais pumasok sa kanyang isipan, pinalis niya agad iyon. Ayaw na niya pa maalala ang mga ito. Hindi sa mga panahong ito, kung saan nagsi-simula siya ng pani-bagong buhay.
Napansin ni Dan ang panama-himik na iyon ni Veth. May kaka-iba sa babae ng umagang iyon. Marami ng mga estudyante ng makarating sina Veth sa university. Mas marami keysa noong unang beses silang pumunta. Dineretso na ng sasakyan ang mga gamit nila sa dorm. Samantalang sila naman ay sa kanilang klase ng nag-tungo. Magulo pa ang klase ng pumasok siya roon kasama ang dalawang kapatid. Kanya-kanyang pasiklaban ang mga naro-roon. Sa gamit, sa kung saang pamilya sila galing. Kung saan sila nag-bakasyon at marami pa. na-iling na lang si Veth. Anu pa ba ang ina-asahan niya sa mga anak-mayaman na sumobra na sa limitasyon nila ang mga luho sa katawan.
"Mukhang makaka-hanap agad ng kasama si Junylyn.", sa isip ni Veth. Nilingon niya ang babae. At tama nga ang hinala niya. May tatlo itong kausap na babae. Pawang hawak ang mga cellphone at make-up kit. Ganun din ang hawak ni Junylyn.
"sabi na nga ba…..", nata-tawang saad ni Veth sa sarili.
Tumahimik lang ng dumating na ang kanilang professor. Everything seems to be fine. Not until someone from their class, asked how come Veth and Junylyn were the same age but are not twins.
"Is it happening again?", sa isip ni Veth. nakaramdam ng pagbabara sa lalamunan si Veth.
Past
Teacher: Okay class, tomorrowis our family day. Im expecting to see your parents tomorrow. Both your mother and father. Understand?
Student: Maam, how about Veth? She don't have her mother?is she allowed to attend the event?
That question brought everyone questioning each other about the situation of Veth. Her classmates are aware that Martha is not her mother. Besides, it is already been announce by Junylyn ever since they started their first grade.
Teacher: ofcourse she can come. She still have her father. And besides, they are living together, so they are consider as one family. Right Veth?
She was not able to respond. She really hate being asked about her mother.
About that, she don’t think, it is a good idea to attend the event. She might have her father, but Martha cannot be her “mother”, even for a second. In her dreams. She knows how Martha hated her for coming in their lives. Though she don’t say it, she can feel it. and it is more hurting on her side. Her two sisters, they never consider her as their sister. Not even in their second, third or fourth lives. Junylyn cleared it to her even from the start.
Natigil si Veth sa pag-alala ng tumunog ang cellphone niya. Unregistered number ang nag-appear sa screen. Sino naman kaya ito?
“Hello?”, Veth
“Wag kang masyadong mag-isip.My Lady, hindi ba’t masaydo pang maaga para magka-linya ka sa noo? Simula pa lang ng-”
Pinutol niya agad ang tawag na iyon. Ang kapal ng kumag na iyon para tawagan siya! Close ba sila? At paano nito nakuha ang number niya? Lagot sa kanya ito pag-nagkita sila. Pag-tingin niya sa bintana, nakita niya ang “makapal” ang mukhang tumawag sa kanya. Naka-sandal ito sa puno naka-tingin sa kanya habang pangiti-ngiti.
“Ini-inis ba ako ng mokong na ito???”, hindi nama-malayan ni Veth na napapa-higpit na ang kapit niya sa cellphone niya sa inis sa taong tini-tingnan niya. Napa-pitlag siya ng tumunog muli ang cellphone niya. Na-gulat siya ng makita ang numero ni Maurina sa screen. Bakit?
“Hello.”, walng emosyong sabi ni Veth ng sagutin niya ang tawag na iyon.
“Lady Veth, ipapa-sundo po kauo ng Daddy niyo mamayang hapon. Kailangan daw po niya kayong maka-usap. Dito po kayo sa opisina magki-kita.”,ayon sa kausap niya sa kabilang linya
“Sige. 4:30 ang labas ko sa last subject namin. Hintayin na lang ako. May sasabihin ka pa ba?”, Veth
“Yun lang po.”. at pinutol na nga nito ang tawag. Napa-isip naman si Veth sa kung anu ang dahilan sa pagpa-tawag sa kanya ng ama. Isinilid na ni Veth ang mga gamit sa bag at umalis na sa lugar na iyon. Hahanap siya ng pwedeng lugar sa kanya. Iyong makakapag-isip siya at makakapag-isa. Pero bago siya umalis, nilingon muna niya ang kinaiinisang nilalang sa labas ng kwartong iyon. Nakatingin pa rin ito sa kanya. Pero di tulad kanina, nagta-tanung na ang mga mata nito habang naka-tingin sa kanya.
Nakahanap ng tahimik na lugar si Veth, sa likod ng library. Mapuno ang lugar na iyon. Wala ring katao-tao. A perfect place for her. Bumuga ng hangin si Veth. Umupo siya sa lilim ng isa sa mga puno na naroon. Umihip ang malamig na hangin. tama lang para pawiin ang init ng panahon.
“Just perfect.”, saad ni Veth sa sarili.
Binuksan niya ang isa sa mga paboritong libro niya at nag-simulang mag-basa. Kahit sabihing paborito niya iyon, hindi niya basta-basta bina-basa iyon sa harap ng maraming tao. A librong iyon ay diary ng isang computer hacker. Naka-saad sa librong iyon ang buong pagka-tao nito. Simula sa kung papa-ano siya natutong gumamit ng computer sa kabila ng katotohanang hindi ito nakapa-aral dahil sa estado nito sa buhay. Ni hindi ito marunong mag-sulat sa papel kahit ang pangalan nito.ulilang lubos din ito. binubuhay ang sarili sa pangangalakal ng basura. Hanggang isang mayamang matanda ang kumupkop dito matapos niyang iligtas ito sa masasamang loob isang gabi sa kalye ng Pransiya. Pinag-aral siya nito. Nag-focus siya sa pag-gamit ng Computer at pag-tuklas sa mga kaya nitong gawin. Inu-ubos ng lalaki ang oras sa pag-harap at page-eksperimento sa mga kayang gawing ng Computer. Hanggang isang araw, natuklasan niya ang paraan sa pag-bukas ng isang secured file sa eskwelahan nila na napagka-tuwaan niya lang gawin.
Paulit-ulit niyang ginawa iyon sa ibat-ibang pagkaka-taon. Ayon pa dito, ang pinaka-importanteng pagkaka-taon sa buhay niya kung saan nagamit niya ang kakayahang ito ay ng tulungan niyang ma-retrieve lahat ng mga perang nawawala sa bank account ng matandang kumupkop sa kanya sa pamamagitang ng pag-trace ng ilang mga leads na mismong ang matanda ang nag-bigay sa kanya.
Naka-ramdam ng antok si Veth. Dahil na rin siguro sa katahimikan ng lugar. Maya-maya, wala sa sariling bumuka ang bibig ni Veth at nag-simulang umawit. Isang awiting matagal na niyang hindi nari-rinig. Dahil matagal na ring wala ang taong uma-awit nito sa kanya. Dahil inabanduna siya nito. Na siyang naging dahilang upang mapunta siya sa sitwasyong kinalalagyang niya ngayon. Nagu-unahang tumulo ang mga luha ni Veth. Maaring matagal na nitong gustong dumaloy mula sa kanyang mga mata kaya naman kahit anung pigil niya ay hindi niya magawang pigilang ang pag-luha. Kaya naman hinayaan na niya ang sarili. Minsan lang naman niya nailalabas ang totoong damdamin. Minsan lang.
“saan naman kaya nag-punta yung babaeng yun?”, ani ni Dan
Kanina pa niya ito hina-hanap. Akala niya ay magc-cr lang ito ng lumabas ito sa classroom kanina. Ngunit hindi na ito bumalik kahit na nagsi-simula na ang klase nito.
“Lideveth! Nasaan ka na naman. Hindi kaya tumkas na naman ito? hindi naman pwede yun. Mahigpit ang seguridad sa eskwelahang iyon. Saan ka na naman nagta-tago , My Lady? ”, nagsi-simula ng mag-alala si Dan. Lakad-takbo ang ginawa ni Dan. Para na siyang baliw kahahanap sa babaeng pasaway. Isang lugar na lang ang hindi niya napu-puntahan. Ang Library. Nag-madali siyang pumunta roon. Masyadong malaki ang lugar an iyon para sa isang library.
“Sabagay, this is not an ordinary school to have an ordinary place for reading. What am I thinking. So where are you now?”, Dan
Sa pinaka-dulo ng lugar na iyon, nag-pahinga si Dan, wala talaga doon si Veth. Napa-hilamos sa mukha si Dan sa inis.
“Kahit kailan talaga, ang hirap mong hulaan!”. Napa-mura ng mahina si Dan. Sa hindi ina-asahan, nahagip ng paningin ni Dan mula sa bintana malapit sa kanya ang animoy lumulutang na buhok sa likod ng malaking puno sa labas ng library. Pinaka-titigian niya iyon at ng makompiramang buhok iyon ng tao. Nagmadaling humanap ng pinaka-malapit na labasan si Dan para mapuntahan at masigurong si Veth nga ang hinala niya na nasa likod ng punong iyon.
Nang maka-hanap ng pinaka-malapit na pinto, agad na tinungo ni Dan ang punong iyon. Hindi pa man nakaka-lapit ay sigurado na siyang si Veth iyon.
“Andito ka lang pala My Lady!”, sigaw niya.
Ngunit hindi siya pinansin nito. Sisigaw pa sana siya upang sitahin ito ng makita nyang gumagalaw ang mga balikat nito na animoy humahagulgol…… lumapit pa siya ng kaunti dito. natigilan siya ng makompirma ang nasa isip. Umi-iyak nga ito.
Pero bakit?